"Mommy!" Sinalubong ako ng anak kong naglalaro sa pool area. Lumuhod ako upang mayakap siya. "Nasa'n ang daddy mo? Bakit walang nagbabantay sa 'yo?" alalang tanong ko dahil pupwede siyang mahulog sa pool kung mamalasin. "He's inside, mommy. Kasama niya iyong lady." Ang lalakeng iyon talaga. "Nagpakabait ka ba rito? Kumusta ka naman?" tanong ko at pinunasan ang pawis sa gilid ng mukha niya "Sabi mo po dapat good girl ako kaya good girl Seki. Okay lang po. Kahapon naglaro kami ni Tita Bridgette ng doll." "What can you say about her?" "Well, uhm... she's nice naman." "Good." As long as hindi niya pinapakialaman ang mga anak ko, wala kaming problema. Tumayo na ako at inakay ang anak ko papasok sa loob. Dumiretso kaagad ang anak ko sa sala upang iligpit ang mga nagkalat niyang l

