Chapter 23 "I SAW THAT," anang pamilyar na boses kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Humugot muna ako ng hinga bago pumihit paharap dito. "I don't know what you're talking about." Tumingala ako at iginala ang mata sa taas. "Tsk, deny pa." Inilapit nito ang bibig sa aking tainga. "Nakita ko at nakita rin nila," anito kaya mas tumindi ang hiyang nadama ko. Nakita ko ang ilang nandirito na nakatingin sa akin at mukhang pinagbubulungan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin dahil naisilid ko na sa sling bag ko ang lumpiang shanghai. Napatingin ako kay Daniel nang kumuha rin ito ng tissue tapos ay dumampot siya ng shanghai at isinilid iyon sa bulsa ng hoodie niya. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nalipat sa kaniya ang atensyon ng mga babae kanina. OMG! Totoo ba ito? Ang sikat na Campus He

