Chapter 49 "READY na ba lahat?" tanong ng Mom ni Daniel dahil may outing kami ngayon. Nasa bahay nila kami ngayon dahil dito ang napag-usapang meet up. Seven in the morning ang call time at nandito na ang lahat. Huling dumating Deshia dahil nag-gym pa raw ito. Part na iyon ng routine niya tuwing Sabado. She staying in her condo na rin since mas malapit iyon sa University na pinapasukan niya. "Mommy, I want to sit beside Tita Deshia." "Okay baby, go ahead." "Don't worry akong bahala sa kaniya," she assured me tapos inakay na niya si Seki papunta roon sa van nila. Pumasok na rin sa kotse at iniwan ang lugar na iyon. Dalawang sasakyan ang dala namin. Iyong isa ay van na minamaneho ng family driver nila kung saan nandoon ang parents ni Daniel at mga kapatid nito, syempre pati ang anak

