•Eychan• "Wala, pa, may importante lang na ipinakita sa akin si Thunder," sagot ko rito nang mahanap ko ang aking boses. Ayaw kong mag-alala ito sa akin lalo na at problema naman namin ni Thunder ang bagay na ito. Hinawakan ko ang kamay nang huli at tiningnan ito deretso sa kanyang mga mata. "Narinig ko si Thunder kanina—" "Akala lang po niya umalis ako. Hindi po kasi siya sanay na nawawala ako sa kanyang tabi," putol ko sa susunod niyang sasabihin. Ayaw ko rin na magsinungaling pa rito kapag marami pa siyang naitanong sa akin. "Mag-uusap po muna kaming dalawa, pa, babalik din kami mamaya." "Pasensya na po kayo, tito, babalik din po kami mamaya pagkatapos naming mag-usap," ani Thunder at pinisil ang aking kamay. Nang tumango si papa ay kaagad ko siyang hinila palabas nang bahay na iyon

