•Eychan• Kahit hindi pa nakabalik sa mesa namin si Dream ay umalis na ako. Kakausapin ko na lang ito kapag nagkita kami muli. Medyo napagod ako sa pag-uusap namin ni Thunder. Hindi ko alam kung selos nga ba talaga ito ang nararamdaman ko dahil hindi ko naman ito naranasan dati noong kami pa ni Kyser. Wala itong ibang babae na kinakausap bukod sa akin, madalang lang din itong lumabas ng bahay dahil madali itong mapagod. Pinaparamdam din nito palagi sa akin na ako lang ang nag-iisang babae sa buhay niya. Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang ingay ng sumusunod na yapak sa akin. Alam ko na sinusundan ako ni Thunder ngunit ang hindi ko alam ay kung bakit hindi ito nagsasalita. Lilingon na sana ako nang may narinig akong tumikhim. Huminto ako ngunit nanatiling nakatalikod dito, naghih

