•Eychan• Nag-unat ako at naghikab nang makaramdam na ako ng antok. Pumunta ako sa may kwarto at kumuha ng foam na pwedeng ilatag dito sa tabi ng sofa para mabantayan ko pa rin si Thunder. Pagbalik ko ay narinig ko na may nagdo-doorbell kaya inilatag ko na muna roon ang foam at pumunta na sa may pintuan. Napagbuksan ko ang may katandaan ng doctor, halata ang pagod sa mukha nito ngunit nakangiti pa rin nang makita niya ako. "Tumawag sa akin si Uno at pinapunta nga ako rito. Kilala mo ba siya?" Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok ito. "Salamat po sa pagdating, doc, kanina ko pa po kayo hinihintay," nakangiti kong saad at isinarado na pabalik ang pinto. Iginiya ko naman siya kaagad patungo sa may sofa kung nasaan si Thunder. "Natamaan po siya ng bala sa may braso niya kay

