•Eychan• Nakasunod lamang ako kay Tristan nang pumasok ito sa chapel ay kaagad itong lumuhod sa may pinakaunahan at taimtim na nagdadasal. Nanginginig ang mga kamay nito habang kinakausap ang Panginoon. Hindi ko alam kung ano pinag-uusapan o sinasabi niya rito pero nanalangin din ako na sana dinggin nito ang hiling ng lalaking taimtim na nananalangin ngayon sa kanyang harapan para sa ikabubuti ng kanyang kaibigan. Magsa-sign of the cross na sana ako nang biglang may umupo sa tabi ko. Nakita ko roon si Dreame na may ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. "Bakit ka nandito, Eychan? May problema ka ba?" Tumango lang ako sa kanya at lumuhod na rin para manalangin. Kailangan kong unahin ang mga kaibigam ko dahil sila naman talaga ang dumadamay sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata kaya

