•Thunder• Balak ko sana itong habulin ngunit hindi ko naman pwedeng iwan si Eychan. Baka kapag hinabol ko ito ay pasukin naman ng mga kasamahan nito ang bahay. Delikado iyon para kay Eychan kaya kahit labag sa damdamin ay bumalik pa rin ako sa loob. Hindi ko alam kung sino ang mga kalaban nito at bakit may mga taong umaaligid sa unit niya. Napailing ako at bumuntong-hininga bago humiga sa sofa. Dito na lang muna ako matutulog para masigurado ko ang kaligtasan nito. Ipinikit ko na ang aking mga mata at ipinatong ang braso sa aking mukha para makatulog na. Kailangan kong matulog dahil lakad ako bukas. — Nagising ako sa marahang pagyugyog sa aking balikat. Pagmulat ko ng aking mga maya ay ang magandang mukha kaagad ni Eychan ang bumungad sa akin. Napangiti ako at itinaas ang aking kaliw

