•Eychan• Kinabahan ako sa nakitang reaksyon kay Thunder at mabilis na umupo sa tabi niya, baka ano na namang balita ang dala nito at hindi ko na maigalaw ang aking mga binti. "Sino iyan, Thunder? May ginawa ka na naman bang masama? Pwede ba huwag mo namang isa-isahin? Hindi ko na yata makakaya ang mga pasabog ngayong araw," saad ko. Malalim akong bumuntong-hininga para mawala ang kaba sa aking dibdib. Malapad siyang ngumiti at niyakap ako nang mahigpit bago hinaplos ang aking mukha. "Huwag kang mag-alala, Ali, wala akong ginawang masama na ikakasakit ng puso mo. Titingnan ko lang saglit ang nagdo-doorbell." Tumango naman ako kaagad at hinayaan na itong makaalis. Nakangiti kong ibinaling ang tingin sa bata at hinaplos ang kanyang mukha. "Nagising na ang baby namin! Ano ang gusto ng ba

