“TALAGANG HINILING IYON ni Ate Yllana sa iyo, Ahtisa?” tanong ni Katrina.
“I can’t believe it! She’s a damn revelation.” Napailing na lang si Gabby, hindi makapaniwala.
Tinitigan ako ni Chelsea, nagliliyab sa inis ang kanyang mga mata. “Alam kong mahal mo si Ate Yllana after what she did to you, pero gusto ko lang sabihin na she’s a piece of s**t. Pareho lang sila ni—nevermind.”
Inabot ni Wynwyn ang kamay ni Chelsea. “Kalma. Kahit anong galit natin sa ginawa ni Ate Yllana, wala tayong karapatan na magsalita ng masama tungkol sa kanya. Wala nga tayong narinig mula kay Ahtisa.”
Napairap si Chelsea. “Masyado kasing mabait ang kaibigan natin kaya ang dali lang kay Ate Yllana na saktan ito. Alam niya kasing hindi lumalaban.”
Tipid lang akong ngumiti. Tama sila, masyado lang akong mabait. Pero kung maging masama ako, magbabago ba ang lahat? Hindi rin naman, ‘di ba? Sayang lang ang energy ko kung ibubuhos ko sa pakikipag-away. At isa pa, hindi ibang tao si Ate Yllana sa akin—kapatid ko siya.
Napabuntonghininga ako. “I appreciate you all, pero ayaw ko ng gulo. Nandito lang ako sa harap ninyo para magpalabas ng sama ng loob. Alam ninyo naman na kayo lang ang pwede kong mapagsabi—” Napatigil ako sa pagsasalita nang pakiramdam ko’y maiiyak na ako.
“Iyan. Kahit sa harap namin, nagpapanggap kang matatag. Ahtisa, kaibigan mo kami. ’Wag kang mahiyang magpakatotoo sa amin. We are your friends—your shoulder to cry on.” paalala ni Chelsea.
Dahil sa sinabi ni Chelsea, hindi ko napigilang mapayuko habang humagulgol. Tama siya sa sinabi niya. Nandiyan naman sana silang apat para sa akin, pero heto ako at tinatago ang tunay na nararamdaman.
Umusog palapit sa akin at si Chelsea at niyakap ako. Marahan niyang hinimas ang likuran ko. Ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin—nila.
“Parang kapatid mo na kami, Ahtisa. At isa ang sigurado ako, hindi kami iyong kapatid na kayang gawin ang ginawa ni Ate Yllana sa iyo,” sabi ni Katrina.
Inangat ko muli ang tingin ko at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nina Wynwyn at Gabby. Paglingon ko sa gilid ko, ganoon din ang reaksiyon nina Chelsea at Katrina. Matapang ang mukha nilang dalawa, pero natakpan iyon ng lungkot at awa para sa akin.
“Sorry,” sabi ko.
Napataas ang kilay ni Chelsea. “Sorry for what?”
“Dahil pinag-aalala ko kayo,” sabi ko. Bumuntonghininga muna ako bago nagpatuloy, “Inabala ko pa kayo para lang sa drama ko sa buhay.”
“The drama that you are the protagonist,” sabi ni Gabby, nakangiti.
“At dahil ikaw ang bida, you need to be strong and resilient so people will be inspired by you,” sabi ni Wynwyn.
“At thank you sa inyong lahat... sa lahat-lahat.”
“Pero Ahtisa, anong sagot mo sa request ni Ate Yllana?” tanong ni Chelsea.
“Pumayag ako,” sagot ko.
Narinig ko ang pagbuntonghininga nilang apat. Halata sa reaksiyon nila na inaasahan na nila ang magiging sagot ko sa kahilingan ni Ate Yllana.
“There’s nothing new about that,” sagot ni Gabby.
Inabot ni Wynwyn ang kamay ko at marahang pinisili. “Pero kaya mo ba, Ahtisa? Pwede ka pa naman umatras. Mahirap na at baka mag-breakdown ka roon.”
“It’s possible to happen. But...” si Chelsea. Napalingon ako sa kaniya. “Please, Ahtisa, kayanin mo. Ipakita mo sa kanila na hindi ka nila madudurog.”
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko. “I will.”
“Dahil hindi naman kayo okay ni Ate Yllana, aasahan ba namin na wala kaming invitation mula sa iyo?” sabi ni Wynwyn.
“Well, iba ang usapan sa akin. As Bach’s twin sister, I have the audacity to invite my guests, so I guess? Girls, hindi natin pwedeng hayaan na mag-isa roon si Ahtisa,” sabi ni Chelsea.
Tipid akong ngumiti. Kahit magkambal sina Chelsea at Bach, nasa akin ang katapatan niya. Alam niyang mali ang ginawa ng kambal niya sa akin kaya kailanman, hindi niya kukunsintihin ang ginawa nito sa akin.
Napairap si Katrina. “Bakit pinaalala mo pa? Nakalimutan ko na sanang kambal ka ni Bach.”
Napailing at napatawa si Wynwyn. “Kaya mag-ingat tayo sa mga sasabihin natin tungkol kay Kuya Bach. Kambal niya pa rin si Chel—”
“Hey! Ang ayaw ko sa lahat, pina-plastic ako. Kaya kung ano ang gusto ninyong sabihin, sabihin ninyo—kahit kapatid ko pa iyon. Stop sugar coating. Yes, mahal ko ang kambal ko, pero mali ang ginawa niya. Hindi makataru—”
“P*tang ina niya,” mabilis na sabi ni Wynwyn.
Hindi namin mapigilang lima na mapatawa. Sa aming lima na magkaibigan, si Wynwyn iyong masasabi naming pinakamabait. Iniisip niya talaga ang mga sinasabi niya. Hindi siya plastic na tao, pero mas pipiliin niyang maging mabuti—but not this time. Puno na rin siguro siya.
“Kahit anong sabihin mo kay Kuya, wala akong pakialam. He deserves it,” sabi ni Chelsea.
“Sorry, pero naiinis lang kasi ako sa ideya na si Ate Yllana lang ang pinag-uusapan natin. How about your twin brother? Hindi naman mangyayari ang bagay na iyon kung hindi niya hinayaan, right?”
“Alam ko. It was my twin brother’s fault, too,” sabi ni Chelsea. Bumuntonghininga siya. “Basta sa kasal ng dalawang iyon, dapat ay nandoon tayo. Hindi para makipag-celebrate sa kasal ng dalawa, kundi for Ahtisa.”
“Okay,” walang nagawang sagot nina Wynwyn at Gabby.
Ilang oras din kaming lima sa restaurant bago napagdesisyunan na maghiwalay. Magkaiba ang route ko pauwi kaya nagtawag na ako ng grab. Gusto man nila akong ihatid, pero umayaw na ako. Ayaw ko talagang makaabala lalo pa’t may ginagawa rin silang apat. Nag-aaral pa ng dentistry si Gabby, namalalakad ng kanilang university si Chelsea, architect si Katrina, at engineer si Wynwyn.
Nakatutuwa lang balikan kung anong klase kaming kabataan noong senior high pa lang kami. Pero ngayon, mayroon ng mga suliranin ang bawat isa sa amin na dapat naming tahakin.
Masasabi kong tagumpay na rin ako sa larangang tinahak ko. I graduated in chemistry at isa na rin akong chemist. Maliban doon, head na ako ng isang department ng kumpanya namin kung saan nakatuon ako sa cosmetics. Doon ako itinalaga ng mga magulang ko para magamit ko ang natapos ko. Ang sarap lang isipin na malaki ang tiwala nila sa kakayahan ko.
Habang nasa labas ng restaurant, may pamilyar na sasakyan ang huminto sa harapan ko. Hindi pa man niya ibinaba ang bintana, pero nakita ko na ang mukha niya sa loob.
Nang mapansin kong lalabas siya, nagmamadali akong naglakad paalis. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw kong makita ang mukha niya. Naalala ko lang ang lahat ng kalapastangan na ginawa niya sa pagkatao ko.
“Babeee!” tawag ni Bach.
Napangiti ako, at kasabay niyon ang pagngilid ng luha sa mga mata ko. Paano niya nakayanan pa rin na tawagin ako sa tawagan namin gayong niloko niya ako?
Nagpatuloy ako sa paghakbang pero agad din napatigil nang naabutan niya ako. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko para pigilan. Hindi ako gumalaw at hinayaan na lang ang sariling humagulgol. Hanggang sa hindi nagtagal, naramdaman ko na lang na pumulupot ang mga kamay niya sa tiyan ko.
Ang sakit lang dito sa dibdib ko. Sa tuwing ginagawa niya ito nang paulit-ulit, bumabalik ang sakit. Bumabalik ang nakita ko—kung paano ko silang nahuli dalawa sa kama ni Bach na may ginawang milagro.
“Please give me another chance,” aniya. Hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Pagkatapos, bumuntonghininga. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam ko. Naninikip ang dibdib ko.
“I couldn’t afford to lose you,” aniya.
“Bitiwan mo ako,” mahinang sabi ko.
“N-No! I’m stilll deeply in love with you , Ahtisa,” aniya. Mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa akin. “Alam kong nagkamali ako, pero pinagsisihan ko na ang lahat ng iyon. Natukso lang ako dahil—”
“Dahil hindi ko maibibigay iyon sa iyo?” sabi ko.
Hindi ko na siya pinatapos sa kaniyang sasabihin. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinanggal mula sa tiyan ko. Hinarap ko siya.
Pagpapatuloy ko, “Bakit ang kapal ng mukha mo, Bach? Bakit ang sama mo? Bakit sa lahat ng ginawa ninyo sa akin, pinamumukha mo pa sa akin na kasalan ko? Hindi mo lang ako basta sinaktan, Bach! Pinatay mo akooo! Alam mo ba iyon?”
“S-Sorry,” aniya. Walang tigil na siya sa paghikbi..
“Kahit tanggapin ko pa iyang sorry mo, wala namang magbabago. Patay pa rin ako. Patay sa katotohanang ang lalaking mahal ko, pinatulan ang kapatid ko. Patay sa katotohanang ang lalaking pinagkatiwalaan ko, niloko ako. Patay sa katotohanang ang lalaking gusto kong maging ama ng anak ko, ama na ng pamangkin ko.” Tumigil muna ako sandali at pinunasan ang luha ko bago siya tiningnan muli. “Patay sa katotohanang ang lalaking nakikita kong kasama sa harap ng altar, ikakasal na—sa kapatid ko.” Napangiti ako habang walang humpay ang pagtulo ng mga luha. “Hindi mo ako mahal, Bach. Kathang-isip mo lang iyon. Dahil kung mahal mo ako, hindi ako iiyak nang ganito ngayon sa harapan mo.”
“Pwede naman tayong magsimula muli...”
“MAGSIMULA SA ANO!? SA ANO, BACH!? sigaw ko. Dinuro ko siya. “Hindi ganoon kadali iyon!? Dahil kung susundin ko ang gusto mo, magiging kontrabida na ako sa buhay ninyo!? I couldn’t live that kind of life. I deserve way better!”
“Pero kaya mo bang palayain ako?”
“H-Hindi. But the moment na ginawa mo ang bagay na iyon sa akin, ako ang pinalaya mo.”
Hindi siya nagsalita. Yumuko lang siya habang walang tigil sa paghikbi. Ilang segundo ang lumipas, dahan-dahan siyang lumuhod sa harapan ko. Niyakap niya ang mga tuhod ko.
“Please, Ahtisa... don’t leave me. Tulungan mo ako. ’Wag mong hayaan na maikasal ako kay Yllana. Ikaw ang mahal ko.”
Lumuhod din ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
“Masakit ang palayain ka. Hindi ko ginusto ito. Hindi ito ang ending na hiniling ko. Pero nangyari na... hindi na tayo pwede sa isa’t isa.”
“Paano bang hindi pwede? Magtanan tayo. Umalis tayo. Magpakasal tayo. Bumuo tayo ng sarili nating pamilya. May ipon naman ako. May ipon ka. Mabubuhay tayo...”
Napangiti ako. Pagkatapos, tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. Mas humagulgol ako. Damang-dama ko rin ang sakit na nararamdaman niya. Pareho lang kaming dalawa na nasasaktan sa nangyari.
“Aaminin kong hindi ko kayang bitiwan ka. Ipinagdasal kita. Isang King Bach Tyler ang hiniling ko sa Diyos. Pero iyon na nga, hindi umayon sa atin ang panahon. Kaya bilang minsan ng naging bahagi ng buhay mo, ang tanging hiling ko, maging mabuting ihemplo ka na lang sa magiging anak ninyo ni Ate. Lahat ng gusto mong mangyari sa akin, tuparin mo na lang iyon sa magiging pamilya mo. Sige na at mauna na ako.”
Tatayo na sana ako, pero pinigilan niya ako. Muli ko siyang nilingon. “Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo, Bach.”
Napailing siya. “P-Pero...”
“Wala ng pero-pero. Sige na at aalis na ako. Nandiyan na ang taxi’ng tinawagan ko.”
“Kahit ngayon lang, ’wag mo kong iwanan...”
Bumuntonghininga ako. “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”
“Stay by my side. Kahit ngayong gabi lang.”
“Plano mo ba gawin akong kabet?”
“Hindi pa naman ako kasal. At hindi ko mahal si Yllana...” Seryoso siyang tinitigan ako. “Please, Ahtisa? Just one night to be with you. After that, hindi na kita guguluhin.”
Ipinikit ko ang mga mata ko. Kahit masakit sa akin ang makasama siya sa huling sandali, gagawin ko. Para sa kapayapaan ng puso’t isip ko
Tinitigan ko siya sa mga mata. “Sige. Pero pagkatapos nitong gabing ito, tuluyan ng magtatapos ang... tayo.”