"Amorrrrrr!!!!" malakas na tawag ni nanay sa akin. Akala mo naman eh hindi ko siya naririnig! Haler, nandito lang naman ako sa mahabang upuan at nakatalungko lang dahil naboboring na ako ng sobra.
"Nay! Ano ba!? Andito lang ako sa upuan oh! Wag ka naman masyadong OA makatawag, 'di naman ako bingi eh!" sagot ko.
"Hindi ka nga bingi, tamad ka naman! Punyemas kang bata ka! Subukan mo kaya na magwalis ng bakuran para may pakinabang ka naman!" utos nito.
Napanguso ako. Grabe talaga 'tong bibig ni Nanay eh! Masyadong straightforward, wala man lang kapreno preno. Minsan talaga naiisip ko na baka ampon lang ako o kaya napulot niya lang ako sa daan. Grabe! Masyado siyang harsh sa akin, hindi na kinakaya ng bangs ko.
"Ano na namang binubulong bulong mo dyan? Kumilos ka na, aba! May gana ka pa talagang kausapin yang sarili mo? Hindi kusang gagalaw 'tong walis dito at wawalisan yung bakuran natin!" nakapameywang at nakataas ang kilay nito ng lumapit sa akin.
Hala! Si Nanay nagmumukha ng dragon. Hehe, kaunti na lang bubugahan na ako nito ng apoy. At dahil mabuti at uliran akong anak ay susundin ko ang utos ng aking Inang reyna.
"Opo Nay. Eto na nga po oh! Tatayo na ako para magwalis. Huwag masyadong mainit ang ulo Nay, ikaw din papangit ka niyan! Diba sabi mo bawal ang pangit dito!?" tatawa tawa kong sabi at tumakbo palabas bago pa ako mahuli ng mga magic hands ni nanay at makurot ang precious singit ko.
Kinuha ko agad ang walis tingting at dustpan na nasa gilid ng gate at nagsimula ng magwalis sa loob ng bakuran. Kaunti lang naman ang kalat sa loob kaya naisipan kong walisan din pati ung tapat kaya lang pagkalabas ko ng gate ay may walanghiyang lalaki na pinapadyerbacks ang aso niya sa tapat ng bahay namin. My goodness!
"Hoy manong! Mawalang galang na ho, no!?" sigaw ko. Napalingon siya kaagad sa akin. Nilapitan ko siya kaagad ng walang pag-aalinlangan kahit na may dala pa siyang aso. Nanggigigil ako sa kababuyan ng taong 'to!
"Ang kapal din naman ho ng mukha niyong pataihin ung aso niyo sa tapat ng bahay namin! Wala ba kayong bahay at dito kayo namemerwisyo!?" galit na sabi ko.
Tiningnan niya lang ako na parang wala lang sa kanya ung ginawa niya pagpapatae ng alaga niya sa tapat ng bahay namin. The nerve of this guy! Nakipatitigan din ako sa kanya. Matangos na ilong, manipis na labi, mapilantik na pilikmata, makapal na kilay, maputing balat, at maiitim na kulay ng mata. In short, napakagwapong nilalang! Napabeautiful eyes tuloy ako ng wala sa oras! My goodness gracious! Anong nangyayare sa akin!?
Narinig kong tumikhim siya. At nakita ko ang paggalaw ng adam's apple niya. OMG! Parang nilayasan ako ng sarili kong panty. Napapalunok din ako.
"Are you done ranting!?" aniya.
"Ah,eh,ahmmm... Ano kase..." inipit ko ung buhok ko sa gilid ng tenga ko at tinatabingi tabingi ko ung labi ko para magmukha akong cute. Hehe, ang gwapo kase eh.
"Hey stop staring, will you? At tsaka pwede ba 'wag kang magpacute? Mukha kang tanga eh." nakaismid na turan niya.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nito. Napatayo tuloy ako ng tuwid at feeling ko masusunog na yung pisngi sa sobrang init. Mukha daw akong tanga!? Aba! Ang lakas ng loob. Ako na nga 'tong nagpapacute eh, aayaw-ayaw pa! My God! Bakit ba kasi ako nagpapacute? Gwapo kase kaya humaharot ka!
"FYI manong 'no! Hindi ako nagpapacute sayo! Tsaka pwede ba 'wag mo akong inienglish-english dyan!" mataray na sabi ko. Pinagcross ko ung mga kamay ko at tinaasan siya ng kilay!
Tumawa lang siya ng mahina sa sinabi ko. I see amusement in his eyes. Tiningnan niya lang ako na parang inaantay ang susunod kong sasabihin. Sumeryoso ulit ang itsura nito ng napansin na tumigil ako sa pagsasalita.
"Paenglish-english ka pa eh, hindi mo nga magawang padumihin yung aso mo sa tamang lugar! Hindi porket gwapo ka eh pwede ka ng mambalahura! Tapat ng bahay namin 'to at dito mo padudumihin yung aso mo!? Kung ikaw sa kalagayan ko, anong mararamdaman mo?" dagdag ko pa.
"Are you done?" tanong niya.
Wala ng kaemo-emosyon ang mukha niya at diretsong nakatingin sa akin. Naconcious tuloy ako bigla at napakunot ang noo sa sinabi niya. Maya-maya pa ay umalis na siya sa harapan ko at dire-diretsong naglakad na parang walang kasalanan!
"Hoy mister! Kinakausap pa kita." sigaw ko at akmang hahabulin ng maalala kong iniwan ko lang sa gilid ng gutter yung walis at dustpan.
Wala sa huwisyong tinitigan ko na lang ang walang modong lalaking yun na mawala sa paningin ko at ng nakabawi na ako sa pagtulala sa gagong yun ay padabog akong pumasok sa loob ng bahay.
Asar na asar talaga ako at walang mapaglagyan ang inis ko! Pagpasok ko sa loob ng bahay narinig ko si nanay na parang nagbabalibag ng plato sa kusina kaya agad akong pumunta para tingnan kung anong milagro ang ginagawa ng mahal kong ina.
"Nay dahan-dahan naman sa pagliligpit ng pinggan baka maubos yan." pabirong sabi ko.
"Hoy, Amorlita Kendrafaye! Huwag mo akong pangaralan kung anong dapat kung gagawin! Ibabagsak ko 'tong mga plato ng padabog kung kailan ko gusto dahil nabubwiset ako sa tatay mong pagkatapos kumain at kumobra ng pera sa akin ay bigla na lang umalis! At isa pa iyang kuya Joshua mo, panay pagkocomputer lang ang alam!" pabulyaw na saad nito at nakapameywang pa talaga.
"Hala si Nanay! Hindi ko naman nakita si tatay na lumabas eh. OMG! May nakikita po ba kayong hindi ko nakikita?" tiningnan ko si nanay ng may pagtataka. Kasi hindi ko naman talaga nakita si tatay na dumaan. Paanong nangyari na kumain at kumobra pa si tatay ng pera?
" Pwede ba Amor!? Paano mong makikita na dumaan yung magaling mong ama eh busy ka magpacute at tumulala dun sa lalaki sa labas! Panay ka pacute! Humaharot ka eh tamad ka naman!"
Biglang nakaramdam ako ng kahihiyan. Obvious ba talaga yung pagpapacute ko kay hunky papalicious na yun?
" Si Nanay naman eh, okay lang yun. Nagdadalaga na ang your one and only beautiful daughter. Pagbigyan niyo na, minsan lang namang akong humarot eh." nakangising sagot ko.
" Bahala ka dyan Amor,tigil-tigilan mo muna yang pagdedaydream mo anak! Pupunta na ako sa pwesto natin para makadami ng benta. Mas maiging unahin mo muna ung mga gawain mo sa bahay at may pasok ka pa sa trabaho mamaya!" Pagkasabi nun ay lumabas na ito ng kusina at iniwan akong parang tangang pangiti-ngiti habang iniimagine si hunky papalicious.