(ZARA'S P.O.V) Matapos naming mananghalian, nagpahinga nalang din ako saglit. Nagkwentuhan. Nagpa-kwento siya sa'kin kung ano'ng pakiramdam ng isang buhay artista at bilang anak ng isang Mavros. And I find myself telling the truth about how I feel about my identity ever since I was a kid. Pagkatapos ko, siya naman ang nag-kwento. Parang bigla ngang nawala ang sakit niya. Ang dami dami niyang sinasabi. Pansin kong masaya siya habang nagki-kwento dahil maaliwalas ang mukha niya. Marami pa siyang kinwento on how he worked so hard to make Dawson Foundation a successful business entity. Wala naman pala siyang ibang pinag-kaabalahan. Puro trabaho lang. Honestly, iba ang pakiramdam ko ngayon. It's like... We're getting to know more about each other now. Na para bang kahapon lang kami nag

