(ZARA'S P.O.V) Ugh... My head hurts like hell. "Hmmm." panimula ko at nag unat. Kinuskos ko ang mga mata ko at dahan dahang iminulat ang mga mata. Inikot ko ang mata sa paligid at napagtantong hindi pamilyar ang lugar. Sh*t. This is not my room. Where am I? Anong nangyari kagabi? Tumayo ako mula sa pagkakahiga at biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito at napamasahe sa noo. Napatingin ako sa sarili... Wait... Bakit naka tube nalang ako?! Where's my shirt?! Tinignan ko ang lower outfit ko at nakitang nakasuot parin ako ng pants kaya medyo nakahinga naman ako ng maluwag. "You're awake." Lumingon ako sa may isang pintuan at mula doon lumabas ang isang lalaking topless at walang ibang suot kung hindi ang isang white towel na nakapulupot sa beywang niya. It's Xavien...

