Tyronne Papunta ako ngayon sa condo ni Love. Ang usapan namin ay bukas ko pa dapat siya pupuntahan, pero hindi ako mapakali na hindi ito makita. Gabi na at alam ko na tulog na ito. Hindi ko naman na siya kailangan pang gisingin dahil may duplicate key ako sa condo niya. Pina-duplicate ko ito noong time na pinahiram niya sa akin ang susi niya at hinayaan niya akong ipagluto ito. Masaya ako ngayon dahil maganda na ang takbo ng relasyon naming dalawa. Napangiti nalang ako habang nagdadrive at iniisip ang nakangiti nitong mukha. Pagdating ko sa condo niya, nagtaka ako dahil napakatahimik sa loob. Wala kang maririnig na ingay mula sa loob. "Baka natutulog na siya." sabi ko sa sarili ko at binuksan na nang tuluyan ang pinto at pumasok na ako sa loob. Nagtaka naman ako dahil walang tao sa co

