Tina
Katatapos lang naming makuha yung business permit na nilalakad namin. I was with Tyronne dahil nagpresinta siyang samahan ako. I don't know what got into me, kung bakit ba naman napapayag niya ako. Maybe because nakakapagod din ang tumanggi ng tumanggi.
Naglalakad na kami ng may naalala ako, "Wala ka bang gagawin na iba? You're with me the whole day? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"
He smile, "Don't worry, I owned my time. My parents didn't push me to do the things I don't wanted to do. Nagugutom ka na ba?" he ask, as he stop and face me. "Medyo," matipid kong sagot.
"Let's eat somewhere." nakangiting aya niya,
"Ang cute niya pala pag nakangiti." sabi ng isip ko. "Wait? What? Ano yung pinagsasabi ko? My God! erase, erase, erase! This can't be happening!" umiiling-iling ko pang sabi.
Napabalik ako sa huwisyo ko ng nagsalita ulit siya.
"Sorry, napakademanding ko na ba? Sige hatid na kita." malungkot na sabi niya at naglakad na papuntang parking area. Nakonsensiya naman ako sa ikinilos niya, he cook for us then sinamahan niya ako today. Ano ba namang pumayag ako sa inaalok niya.
Humabol ako sa kanya, "I know somewhere else na may masarap na makain." I genuinely smile after ko masabi yun sa kanya. He automatically stop and look at me with his unbelieving look. "Don't look at me that way. Niyayaya kita para pa-thank you ko sa mga nagawa mo this day. Nothing more, nothing less. Huwag kang mag isip ng iba." pagka-klaro ko
He smile and shrug, "Itre-treat mo ako?" hindi makapaniwalang sabi niya, "Ayaw mo?" nakataas kilay kong tanong.
"I didn't say anything. Let's go!" masiglang bati niya at nagpatiunang pumunta sa sasakyang ginamit namin. Hinintay niya naman ako at pinagbuksan ng pinto. Nang makapasok na kaming dalawa, he instanly ask me. "Where to?"
"Just drive straight and turn left, the new open resto. "Dine with me Resto" ata yung name ng newly open na restaurant. May nakapagsabi kasing masarap daw ang pagkain nila. So, I want to give it a try." diretsong sabi ko
Pinaandar niya na ang car at nagtungo sa direksiyong sinabi ko. Wala pang ilang minuto ng makarating na agad kami.
Pagpasok mo palang, ma-aamaze ka sa ambiance ng restaurant. It's quite simple, hindi siya gaya ng iba na pabonggahan ang interior. Vintage ang set-up ng lugar, parang nasa 60's ka dahil sa hitsura nito. Napatitig ako sa isang painting ng isang magandang babae na nakahawak ng abaniko at nakangiti. Kung titignan mo ito, para siyang totoo, dahil sa texture at pagkakaguhit dito. Buhay na buhay ang hitsura.
"Should we order or should we roam the place first?" napatango nalang ako sa tanong niya dahil hindi ko talaga maialis ang mata ko sa painting na yun. "Hey, you didn't answer. Are you alright?"
I nodded, "Yeah, that painting. It's amazing!" kulang na nga lang magkapuso na ang mata ko sa sobrang paghanga eh.
"Let's order?" tanong nito na ikinatango ko habang siya naman ay tinatawag ang waiter para ibigay ang order namin. He gave me the menu book at namangha ulit ako sa hitsura ng menu nila. Napangiti ako habang pinagmamasdan at binubuklat ang menu.
"You're too adorable," napatingin ako sa kanya sa sinabi niya at napangiti. "I know that," nakangiting sabi ko at ibinalik ang mata ko sa menu.
It's a brown long folder with five pages, then it has some sort of leaves on the front. Anahaw ata yun, tapos may mga design sa gilid-gilid nito na nagpaganda mas lalo sa designs ng menu book nila.
"Just give us your best seller foods, all of it. Then lemon juice and strawberry cake."
Nakita kong nilista na niya ito at nagsalita ulit, " Is that all Ma'am?"
Hindi muna ako sumagot at humarap kay Ty ng nagtatanong.
"Wala ka na bang idadagdag, Ty?"
Nakita ko naman siyang umiling bago nagsalita. "Makita palang kita busog na ako." diretsang saad nito na ikinapula ko. Agad akong tumingin sa waiter para hindi nito makita ang pamumula ko. Hanep na Tyronne kasi 'to eh, lakas makabanat.
"Okay na po yan, wala na po kaming idadagdag. Salamat," sabi ko sa waiter.
Agad naman siyang umalis at dumiretso sa isang pinto. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa paligid. Tahimik na kaming dalawa at batid kong hindi siya mapakali sa upuan niya kaya napatingin ako.
"May lakad ka bang iba?"
"Wa-la naman Tina, bakit mo naitanong?" alanganing tanong niya sa akin.
"Hindi ka kasi mapakali diyan sa upuan mo, eh. Kung wala ka naman palang lakad," putol ko sa sinasabi ko at tinaasan ko siya ng kilay. "May problema ka ba?"
"Huh? Wala Tina, promise." mabilis na sagot nito.
"Okay, sabi mo eh." sagot ko at ibinalik ang mata ko sa mga painting na nakasabit sa mga walls. Wala pang ilang minuto ng marinig kong tinawag niya ulit ang pangalan ko.
"Tina,"
"Yes?" tanong ko sa kanya pagkaharap na pagkaharap ko palang. I knew it, may problema nga 'tong isang 'to.
"Ano kasi," kumakamot ng batok na sabi nito, tumingin lang ako sa kanya ng nakakunot ang noo.
"Ano, Ty?"
"Kasi ano, gusto ko sanang ano..." hindi magkanda-ugagang sabi nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.
"If you don't want to tell me, then don't. Ikain mo nalang yan." sinabi ko pagkalapit ng waiter dala ang pagkain namin. Nakita ko namang natahimik siya kaya hinayaan ko nalang muna siya. Nang matapos iserve ang mga pagkaing inorder namin. Nilagyan ko muna ng ulam ang plato ko bago ko iniabot kay Ty ang hawak kong ulam. Agad niya naman itong inabot at naglagay din ng ulam sa plato niya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng marinig ko ulit na tinawag niya ang pangalan ko. Lumingon lang ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.
"Remember the birthday party I mentioned you at your condo?" simulang tanong nito kaya tumango lang ako. How can I forget about it kung about sa condom ang pinag uusapan nila.
"Yes, and what about that?" balik tanong ko bago sumubo ng pagkain.
"I just want to invite you, kailangan kasing may kasama ako para hindi na nila ako asarin." pagkatapos niyang sabihin yan ay napayuko siya. I don't know why pero bakit ang cute niya pag nahihiya.
Napangiti ako, "Bakit ka naman nila aasarin?" curious na tanong ko, nakita ko naman siyang lumingon.
"It's just that... na every lakad na mayroon kaming magkakaibigan. Wala akong sinasama kahit isang date man lang. Kaya this time, nangungulit na sila. Kung okay lang sana sa'yo?"
"Kailan ba ang birthday party na yan?" tanong ko without looking at him at tahimik na kumakain habang hinihintay ang sagot niya.
"In two days time pa naman, and sa bar ang venue nito."
"Saang bar yan?" this time tumingin na ako sa kanya. "The bar where we first met." nakangiti ng pahayag nito kaya napatango nalang ako.
"Ohh okay, I'll come with you. Kain na tayo para maaga tayong makauwi. I juts wanted to rest after this." nakangiting sabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko. Nakita ko naman siyang natulala at parang hindi makapaniwala sa narinig niya kaya tumawa ako ng mahina at nagsalita.
"Ty, you heard it right. Huwag kang tumunganga diyan. Lumalamig na ang pagkain." nakangiting sabi ko at nilagyan ng ulam ang plato niya. Ngumiti naman siya pabalik sa akin at maganang kumain.
I felt happy when I see him smile. Ngiting umaabot sa mga mata niya at pati ang kilos nito ay mahahalata mo ang saya.