Tyronne
"Tina?"
Napatingin ako kay Mark nang tawagin niya ang pangalan ni Tina na para bang matagal na niya itong kilala. Nang lumapit ito at hinawakan ang kamay nito, napatikhim ako.
"Ehemmm... Do you know her, Bro?" nagtatakang tanong ko at tinignan ang kamay nitong nakahawak sa kamay ni Tina at sa masayang mukha ni Mark.
"Hindi ko siya kilala." sabi ni Tina at hinila ang kamay niya mula rito sabay tinignan niya ito ng nakataas ang kilay. "Do I know you? As far as I know, wala akong kakilalang Mark." sarkastiko niya nang sabi at sumeryoso bigla ang kanyang mukha.
Natahimik naman si Mark at bumalik sa kinatatayuan nito at kinuha ang alak sa mesa. Sinalinan niya ang bagong baso ng wine at tahimik lang akong nakikiramdam sa magiging reaksiyon nito. Naglakad ulit ito palapit sa amin.
"Enjoy my party." sabi nito at inilagay ang baso sa kamay ni Tina. Nagkatitigan muna sila bago niya tuluyang kinuha ang alak.
Bakit ba pakiramdam ko may koneksiyon silang dalawa. Sa tinging ipinupukol ni Mark sa kaniya. I'm sure of it,
Inalalayan ko nang maupo si Tina sa bakanteng upuan. Napansin kong hindi ito kumikibo at naging tahimik.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ko dito na ikinatango niya lamang.
"You sure?" paninigurado ko.
"Yes, medyo sumama lang pakiramdam ko." sabi nito kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
"Do you want to go home?" tanong ko dito na ikinailing niya lamang.
"Kadarating lang natin. Okay lang ako." sagot nito sa akin pero hindi ako kumbinsido.
"Let's just stay for a while then let's go home." sabi ko dito na ikinailing niya lang
"Party ito ng kaibigan mo at ayokong makasira lang ako. Mauuna nalang ako mamayang umuwi." suhestiyon nito na hindi ko tinanggap.
"No, kasama kitang pumunta dito kaya kasama din kitang uuwi. We'll go home after an hour." pinal na sambit ko na ikinatango nalang nito dahil wala naman na siyang pagpipilian pa.
Umiinom ako ng alak sa baso ko nang mapansin ko ang panay na pagsulyap ni Mark kay Tina. Alam kong may something sa kanila pero hindi ko alam kung ano 'yon.
"Restroom lang ako." paalam ni Tina sa akin.
"Samahan na kita?" sabi ko
"Huwag na. I can manage, Ty. Stay here, hindi naman ako bata, kaya ko na." parang nairita pa ito sa akin kaya hindi ko nalang pinilit ang gusto ko.
Masaya na akong pumayag itong sumama sa akin. Kaya ayokong magalit siya. Pagkaalis niya, agad kong napansin ang pasimpleng pag-sunod ni Mark dito. Nang makita ko siyang nakalayo na ay tumayo ako at nag-excuse sa mga kasamahan namin.
"I'll just go to the restroom." paalam ko na ikinatango nila sa akin.
Habang naglalakad ako palapit sa restroom ay kinakabahan ako. Napatigil ako nang makita kong nakatayo si Mark sa pintuan ng restroom ng mga babae na para bang may hinihintay ito.
Sumilip lang ako at nanatili sa puwesto ko. Gusto kong malaman kung ano ang kaugnayan nito kay Tina.
Nang lumabas si Tina sa pinto, nagulat ito nang hilahin siya bigla ni Mark sa gilid.
"Damn!" mura ko dahil sa nangyayari.
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila. Nagtago ako sa pader malapit sa puwesto nila. Sakto lang na naririnig ko ang mahina nilang pag-uusap.
"Hear me out, Tina." bungad na sabi ni Mark kay Tina. At bago ko pa mapagtanto ay narinig ko nang nagsalita si Tina.
"Are you freaking kidding me? Hear you out? For what? For you to hurt me again? f**k you!" sigaw nito.
Naging malinaw na sa akin ngayon kung ano ang koneksiyon nilang dalawa. Kaibigan ko si Mark but I can't let him hurt Tina.
"Just please, magpapaliwanag lang ako kung bakit ko nagawa 'yon sa 'yo. I've loved you until now, Tina. Please." pagmamakaawa ni Mark habang pilit nitong inaabot ang kamay ni Tina pero tinatabig niya lang ito na para bang diring-diri.
"Get lost, Mark! I don't need your explanation. What happenned in the past stays in the past. So just get lost!" mahihimigan mo na ang galit sa tinig nito. Kahit gusto ko nang lumabas sa pinagkukublian ko ay hindi ko magawa dahil may gusto pa akong marinig mula rito.
"Alam kong mali ang ginawa ko, Tina. Sobrang nagsisisi ako." umiiyak ng sabi ni Mark.
"I've been worst when you dumped me years ago, Mark. And now I'm okay. Tapos babalik ka pa? Just don't go near me. Tinapos mo na noon ang mayroon sa atin kaya huwag kang magmakaawa sa akin na para bang ako ang may kasalanan." sabi nito, hindi ko maiwasang mapakuyom ang kamao ko sa narinig ko. How could he do that to Tina.
"Please, Tina, I love you." sabi nito sa nagmamakaawang tono at pilit itong hinawakan.
"Vaffanculo! Don't you dare hold me. You're disgusting! Just so you know, I don't love you now. So, stay away!" seryosong sabi nito at mahihimigan mo din ang galit sa boses nito.
Nagmadali akong bumalik sa mesa namin nang makita kong tinalikuran na niya si Mark at nag-umpisa nang maglakad paalis. Pag dating ko sa mesa, kunwari ay hindi ako umalis. Nilagok ko muna ang alak ko para mahimasmasan at mawala ang galit na namumuo sa dibdib ko para sa kaibigan.
Nang bumungad na si Tina, ngumiti ako sa kanya at inalalayan ito paupo. Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya nang kunin niya ang baso ng alak niya at lagukin ito ng minsanan. Hindi na muna ako umimik dahil alam kong masama pa rin ang timplada ng mood niya. Napansin kong natagalan ang pagbalik ni Mark kaya napa-smirk nalang ako nang makita ko siyang lumalapit na para bang walang nangyari.
"Let's go?" aya ko kay Tina dahil naiinis ako sa inaasta ni Mark. Nakangiti pa ito habang papalapit sa mesa namin. How could he smile na para bang walang nangyaring confrontation sa pagitan nila ni Tina.
"Ha? Why the sudden?" takang tanong nito sa akin.
"If you want to stay. Then stay. I'm going." seryosong sagot ko sa kanya. Knowing na parang ayaw pa nitong umuwi ay nagpapasakit sa dibdib ko.
Tumayo na ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko. Galit ako, sigurado ako diyan. Kaya bago pa ako makagawa ng hindi dapat ay aalis nalang ako.
"I'm going. Masama ang pakiramdam ko." paalam ko sa kanila. Nakita ko ang pagtutol sa mga mukha nila pero wala na silang nagawa pa nang tumalikod na ako at nagsimula nang umalis.
Takot akong lumingon dahil baka masaktan lang ako mas lalo pag nakita kong mas pinili nitong manatili kaysa ang sumama sa akin.
Pagkalabas ko ng bar, dumiretso na ako sa sasakyan ko. Pagkapasok ko, agad akong napamura dahil sa galit at sakit.
"f**k! Bakit kailangang kaibigan ko pa!" sigaw ko at sinuntok ang manibela. Napayuko nalang ako at iniyukyok ang ulo ko sa manibela dahil sa frustrasyon.
Nagulat nalang ako ng biglang may pumasok sa loob ng sasakyan at galit na nagsalita.
"What the! Why did you left me?" galit na tanong nito sa akin.
"Baka kasi mas gusto mo pang manatili doon kaya nauna na ako. Baka makaabala pa ako." walang emosyong sabi ko at inumpisahang paandarin ang sasakyan.
"What? Did I just heard it right?" naguguluhang tanong nito sa akin pero hindi ako sumagot.
Binilisan ko nalang ang pagpapaandar para maihatid ko na siya agad sa condo nito. Pagdating namin, pinagbuksan ko lang siya ng pinto.
Nang tuluyan na itong makalabas, agad akong umikot at walang paalam na umalis. Alam kong nagtataka ito sa inaasal ko pero nasasaktan ako dahil mahal ko siya. At ang masakit pa ay bakit ang kaibigan ko pa ang parte nang nakaraan niya na mahirap niyang kalimutan.