Tyronne
Nang makita ko siya sa mall ay hindi ko inaasahang kasama niya si Mark. Ang sakit lang makita na ang mahal mo ay kasama ng kaibigan mo. Kaya nang tawagin niya ako ay hindi ako lumingon dahil ayaw kong makita ito kasama ng iba.
Dumiretso ako sa sasakyan ko at umalis na. Umuwi nalang ako sa condo ko at doon nalang nagmukmuk kasama ang bote ng alak. Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Paano nalang kung binigyan niya na ito nang isa pang pagkakataon?
"Paano naman ako, Tina? Umasa ako." sambit ko sa sarili ko at nilagok ang bote ng alak. Ilang araw na akong ganito. Puro alak nalang ang laman ng sistema ko. Kahit gusto ko siyang puntahan ay hindi ko magawa dahil alam kong hindi niya na ako kailangan.
Sa nakita ko kanina ay ayos lang sa kanya na kasama niya si Mark kaya ano pang silbi ko. Nang maubos ko ang alak ay hindi pa ako nakontento. Nagbukas pa ako ng isa pang bote hanggang sa makatulugan ko na ito at ang bote na ng alak ang kayakap ko.
Ilang araw pa akong ganoon hanggang sa makatanggap ako nang tawag mula sa mga kaibigan ko. Aalis na daw si Aaron at magpapadespedida daw ito mamayang gabi. Matagal niya nang sinabi sa amin ang pag-alis niya kaya nagdadalawang isip pa ako kung pupunta nga ba ako o hindi. Sigurado kasi akong pupunta si Mark doon at ayaw ko siyang makaharap.
"Bahala na." sambit ko at pasalampak na humiga sa kama. Kapag hindi kasi ako pumunta ay paniguradong magagalit si Aaron kaya napagpasyahan ko nalang na pumunta. Ayoko namang biglaan nalang itong lumitaw dito at kaladkarin niya ako papunta sa sarili kong bar.
Tinignan ko ang relo ko at alas tres palang ng hapon kaya itinuloy ko muna ang pagtulog. Nang magising ako bandang alas siyete ay yamot akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo.
Paglabas ko ng banyo ay siya ring pagtunog ng aking telepono.
"Where are you? Kanina pa kita hinihintay. Tama na ang pagtatago, magpakita ka na." bungad ni Aaron pagkasagot ko palang ng tawag nito.
"Oo na, nagbibihis nalang ako. Hindi naman ako importante para hintayin mo pa. Basta darating ako," inis na sabi ko at pinatay na agad ang tawag.
Nagbihis na ako at lumabas na papunta sa aking sasakyan. Mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan dahil panay na ang tawag ni Aaron sa akin. Halos hindi na niya patahimikin ang tunog ng cellphone ko. At dahil sa inis ko ay pinatay ko na ito nang tuluyan at ibinato ito sa likuran ng aking sasakyan.
Nang makarating ako sa bar ay alam ko na kung saan ako didiretso. Pagdating ko sa kanila ay napatingin agad ako sa magkatabing si Mark at Tina sa dulo. Iniiwas ko ang aking paningin nang tumingin si Tina sa gawi ko. Bakit kaya ang sakit makitang magkasama sila.
"Alak mo, Pare." sabi ni Aaron at ibinigay sa kamay ko ang baso ng alak at nagsalita ulit. "Akala namin hindi ka na darating dahil pinatayan mo ako ng cellphone mo. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo this days at bakit nagkukulong ka sa condo mo? Tanong nito na isinawalang bahala ko lang at umupo sa bakanteng upuan.
"Dami mong satsat. Uminom na nga lang tayo nang makarami." seryosong saad ko at inisang lagok ang laman ng baso. Iniwasan kong mapatingin sa kanila para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
Nang may dumating pang bisita si Aaron na mga babae ay kanya-kanya silang lapit sa amin. Nang may tumabi sa aking babae na maganda at maputi ay hinayaan ko na lamang. Ito ang unang pagkakataon na hindi ko pinagtabuyan ang babaeng lumapit sa akin.
"Wow! Himala at hindi mo pinagtabuyan ang katabi mo, Tyronne." gulat na sambit ni Kevin na ikinakibit ko lang ng balikat.
"Maybe, I've changed." sambit ko at sinalinan ulit ng alak ang baso ko.
"For the better or for the worst?" nakangising tanong ni Aaron sa akin na ikinakunot ng aking noo.
"What the f**k are you talking about?" kunot noong tanong ko sa kanya at inisang lagok muli ang laman ng aking baso.
"Ops! Mukhang naglalasing si Tyronne baby natin." tumatawang sambit ni Kevin na sinang ayunan ng lahat maliban sa akin. Tahimik lang akong nagsalin ng alak sa baso ko at nilagok ito ulit bago nagsalita.
"Mind your own f*****g business." madiin kong sabi at tumayo para pumunta ng banyo. Sa tatlong basong nilagok ko ay nakaramdam na ako ng konting hilo kaya kailangan ko munang mahimasmasan kahit konti.
"Saan ka pupunta? Tatakas ka na naman?" sunod-sunod na tanong ni Aaron at inakbayan ako.
"Gago! Pupunta lang ako ng banyo. Sasama ka? Malay mo makahanap ako ng babaeng ikakama ko sa unang pagkakataon." pabirong sabi ko, napatingin kaming lahat sa gawi nila Mark ng may mahulog na baso at nabasag ito. Narinig ko ang nag aalalang tinig ni Mark.
"Are you okay, Babe?" tanong nito na ikinatigil ko at napatingin kay Tina.
"O-o, a-yos lang a-ko." pautal-utal na sagot nito at tumingin sa akin.
"Tsk!" inis na sambit ko at tumalikod na para pagtakpan ang malapit ng mahulog na luha sa aking mata.
"Balik ka kaagad, Pare!" sigaw ni Aaron na akala mo naman ay napakalayo ko. Napa-middle finger nalang ako sa kanya habang nakatalikod ako.
Dumiretso ako sa pribadong banyo sa opisina ko. Pagpasok ko palang ay sinuntok ko na agad ang pader na nabungaran ko.
"Tang'na! Ilang araw lang! s**t!" Hindi magkamayaw na mura ko habang sinusuntok suntok ang pader hanggang sa magsawa ako.
Nanghihina akong napaupo sa tiles at napasabunot nalang sa aking buhok. Yumuko nalang ako at hinayaang tumulo ang masaganang luha sa aking mga mata. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kanila. Nang makita ko na dumudugo ang kamao ko ay tinitigan ko lamang ito na para bang titigil ang pagdurugo nito sa pagtitig ko.
Agad akong tumayo at kumuha sa opisina ko ng puwede kong gamiting pangtali para hindi nila ito makita. Mali ang naging desisyon kong pumunta. Nang maitali ko na ang aking kamay ay nagpahinga muna ako sandali at inayos ang aking sarili bago lumabas.
Pagkabalik ko ay agad akong umupo at nagsalin ng alak sa aking baso at inisang lagok na naman ito.
"May lakad ka ata, Tyronne? Masyado kang nagmamadali eh. Hinay-hinay lang," payo ni Kevin sa akin na ikinatingin ko lang dito at nagsalin ulit bago nagsalita.
"Ganoon din lang naman ang patutunguhan. Bakit mo pa hihinay-hinayin." walang emosyong sabi ko at nilagok ulit ang alak. Wala nang umimik sa kanila kaya nanahimik na din ako. Nakailang salin pa ako ng alak nang maramdaman ko ang pag-ikot ng aking paningin.
Napagdesisyunan kong umalis na kahit mag-iisang oras pa lang akong nandirito. Pagtayo ko ay muntik na akong natumba kaya nailabas ko ang kamay kong nasa loob ng aking bulsa. Nagulat nalang ako nang biglang may nagmamadaling lumapit sa akin at alalayan ako.
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sabay hawak niya sa braso ko para alalayan ako. Tinignan ko lang siya at ipiniksi ko ang kamay ko sa hawak niya.
"I'm alright. No need to worry." sabi ko at itinaas ang dalawa kong kamay para patigilin ito sa paghawak sa akin.
"But..." pinutol ko ang sasabihin niya.
"Tsk! Don't talk as if you really care for me. Go back to where you are." tinalikuran ko ito dahil alam kong hindi ako makakatagal pag tumitingin ako sa mga mata niya.
Napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko at haplusin ito bago nagsalita.
"What happen to this, Ty? Wala naman ito kanina?" tanong nito na ikinalingon ko sa kanya. Paglingon ko ay nakita ko sa likod niya si Mark at nakahawak sa likuran nito.
"That?" turo ko sa kamay ko na hawak niya at tinanggal ito sa pagkakahawak nito."It's nothing. Why ask, Tina? Don't tell me na nag-aalala ka? Sa pagkakaalam ko inis na inis ka pa pag kasama mo ako. Now, makakahinga ka na dahil wala nang katulad ko ang nangungulit sa'yo. Kaya puwede ba. Hayaan mo na akong umalis at huwag kang magpanggap na para bang concern ka sa akin. Alam nating pareho na pinagtitiyagaan mo lang ako." mahabang pahayag ko, nakita kong hinagod ni Mark ang likod nito at inakbayan.
Awtomatikong napaiwas ang aking paningin at ibinaling sa katabi kong babae. Walang babala ko itong hinalikan na agad din naman nitong tinugon. Nang matapos ang halikan namin ay umupo na ako at pinaupo naman ito sa aking kandungan.
Nakita ko ang tulalang mukha nito at ng mga kaibigan ko habang nakatingin sa aming dalawa. Binalewala ko nalang ito at hinalikan ulit ang babaeng nakakandong sa akin. Hindi ko gawain ang ganito pero para pagtakpan ang sakit na lumulukob sa dibdib ko ay kailangan ko itong gawin. Maybe it's time for me to find someone that will love me for who I am. Hindi 'yong panakip butas lamang.