Tina
Andito ako ngayon sa condo ko at hinihintay ang tawag ng mahadera kong bestfriend. It's been a week since nakauwi kami galing sa pagweweekend namin nina Mom at Dad.
And we are actually fixing our documents para sa tinatayo namin botique. Sobrang gastos at nakakapagod. Hindi pa nga namin nakakalahati ang mga requirements. But, we're very sure na matatapos namin ito in a month or so.
At sa isang linggo ding yun, may isang nakakairitang nilalang na laging nangungulit sa akin. I don't know what to do with him anymore. Oras- oras kung tumawag, hindi ko na nga sinasagot pag minsan.
Napatayo ako sa upuan ko ng marinig kong may kumakatok sa may pinto.
"You don't need to knock--" naputol ang sasabihin ko ng hindi si Leanne ang bumungad sa akin. Speaking of the devil.
"Good morning Tina." nakangiting bati niya sa akin sabay taas ng hawak niyang pagkain galing sa favorite kong food establishment.
"Ang aga-aga Tyronne, hindi ka ba umuuwi sa inyo?" tanong ko sabay bukas ko ng maigi sa pinto para makapasok siya. Sinara ko na ito at sinundan siya sa may sofa.
"Siyempre umuuwi ako, dumaan ako dito para makasama kang magbreakfast bago kayo lumakad. Sigurado kasi akong hindi ka nanaman kakain niyan." sabi niya habang nilalapag niya ang pagkain sa may mesa. Naparoll eyes nalang ako sa sinabi niya.
"Tyronne hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?" seryosong tanong ko sa kanya habang umuupo sa may sofa.
"Nope! Basta para sayo Tina. I will never get tired." nakangiting sabi niya sa akin sabay abot ng spaghetti.
Napabuntong hininga nalang ako at kumain na. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang favorites ko, mga lakad ko, at ang everyday na ginagawa ko. Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan sa araw-araw. Pero sadyang matigas talaga ang bungo niya at ni hindi natitinag sa mga pagmamaldita ko sa kanya. Pagtingin ko dito, mataman palang siyang nakatingin sa akin habang nakatukod ang dalawang siko niya sa may mesa.
"What the f**k are you staring Tyronne? Can you just eat?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"Sa'yo palang Tina, busog na busog na ako." nakangiting sabi niya na parang nagdeday-dreaming pa.
"What the! Aayos ka o papalabasin kita ng condo ko? You choose!" iritang sabi ko
"Eto naman, para nagsasabi lang naman ng totoo."
"Isa Tyronne! Don't make me count until three!" inis na sabi ko
"Eto na nga po! Kakain na po." nagmamadaling sabi niya sabay subo sa soup na mainit pa. Halos mailuwa niya ang mata niya sa init ng sinubo niya. Nagmadali itong tumayo at pumasok ng kusina.
"Hey, are you okay?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang nakaharap sa may lababo at sinasahod ang bibig niya sa gripo.
"It's f*****g hot!" sabi niya habang pinapatay niya ang gripo at humarap sa akin
"Sino ba kasing may sabi na lagukin mo ang mainit na soup na yun?" taas kilay kong tanong sa kanya
"Nasaktan na nga yung tao. Nanenermon ka pa." nakasimangot niyang sabi na ikinatawa ko
"You know what Tyronne? Sometimes, I wonder kung may nakakatagal sa'yo?" tanong ko sabay talikod sa kanya at naglakad pabalik sa sofa para ipagpatuloy ang pagkain ko.
"Of course naman Tina, Ikaw pa nga lang nakakatagal na sa akin. Sa gwapo kong 'to?" nakangiting sabi niya sabay upo sa tabi ko.
"Ang hangin Tyronne, muntik na ko liparin." sabi ko habang tinitimpi ko ang ngiting sumisilay sa labi ko
"Ngingiti na yan!" sabi niya sabay harap sa akin na ikinabigla ko.
"What the f**k Tyronne!" sigaw ko sa kanya, muntik ko ng matapo ang hawak kong pagkain sa biglang pagharap niya.
"Sorry" maiksing sabi niya pewro makikita mo sa mukha niya ang sinseridad sa paghingi ng tawad.
Napabuntonghininga nalang ako at pinagpatuloy na ang pagkain ko. Malapit na akong matapos kumain ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Leanne na may mga bitbit ding pagkain sa kamay.
"Opsie! May bisita ka pala, I brought you foods pero parang sayang pala kasi may nauna na." nanunuksong sabi nito sabay tingin kay Tyronne.
"Stop there Leanne! Don't you ever think that way! Yang utak mo lumuwag nanaman." inirapan ko siya na ikinatawa lang niya.
"Hi there Tyronne! Nice to see you here." nakangiting sabi niya habang nilalapag sa mesa ang mga pagkaing dala nito. Same as Tyronne brought me.
"Nice to see you too Leanne. Dinalhan ko siya kasi hindi nanaman kakain yan sa lakad niyo." sabi niya ng nakangiti
"Hmmm, talagang alam na alam mo na. Sayang naman to." sabi niya sabay pakita ng mga pagkaing nilapag niya.
Naparoll eyes nalang ako sa sinabi niya.
"Just put it at the fridge, hindi yan masasayang. Kainin ko nalang yan bukas."
"Bakit bukas pa Tina?" napatayong sabi ni Leanne at nameywang sa harap ko. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Tyronne sa sinabi ko
"Stop over reacting Leanne! And you!" sabi ko sabay turo sa kay Tyronne
"Hindi to over reacting Tina ha! Binili ko para kainin mo tapos malalaman ko bukas mo pa balak kainin? Anong kakainin mo mamayang dinner?" kunot noong tanong niya
"Uuwi ako kina Mom kaya will you two stop that face! It's freaking me out! Hindi bagay sa inyo!" iritadong sabi ko sa kanila na ikinahinga nila ng maluwag
"Yan! Linawin mo kasi." sabi ni Leanne habang umuupo na sa left side ko. Inirapan ko lang siya at pinagpatuloy na ang pagkain ko
"Can I come with you sa Mom mo?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko
"What?" kunot noong tanong ko at medyo nilapit ko ng konti ang tenga ko baka nabingi lang ako.
"I said, kung pwede ba akong sumama sa Mom mo?" ulit na sabi niya
"Tinagalogg mo lang yung sinabi mo ah Tyronne. Hanep ka ding umulit." natatawang saad ni Leanne habang kinukuha ang spaghetti niya din. Nahawaan ko na din yan ng fave food ko.
"Akala ko kasi hindi niya naintindihan kaya tinagalog ko." nakangiting sabi niya habang nakatingin sa akin
"Anong akala mo sa akin Tyronne? Hindi nakakaintindi? Pinaulit ko lang kung tama ba ang narinig ko!" taas kilay kong tanong sa kanya
"Sorry po Tina ko, Akala ko kasi hindi mo naintindihan." alanaganing ngiti niya habang kumakamot sa batok niya.
"Dalian mo na nga diyang kumain Leanne! Baka matuyuian nanaman ako ng dugo dito!" inis na sabi ko.
"Kakaumpisa ko palang Tina. Grabe ka naman! Porke't tapos ka na!" nakapout na sabi niya
Hindi na ako sumagot at itinutok ko nalang ang mata ko sa panood na movie na hindi ko na naintindihan simula ng dumating si Tyronne. Napasalamat naman akop sa loob ko ng tumahimik ang paligid ko. It's a big miracle na tumahimik ang dalawang maingay.
Ilang minuto lang ng napatingin ako sa wall clock at nakita ko kung anong oras na.
"Make it fast Leanne. Will be leaving in twenty minutes." sabi ko sa kanya
"Okay" maiksing sagot niya sabay subbo ulit at uminom ng pineapple juice na dala niya.
Tumingin ako sa nakaupong lalake sa tabi kop at napakunot noo ako ng makita kong malungkot ang mukha niya na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa.
"What's with that face Tyronne?" kunot noo kong tanong
"it's nothing." maiksing sagot niya na ikinataas ng kilay ko
"Okay, sabi mo eh. After mo kumain, pakiayos nalang ang mesa. Pakilock na din ang pinto pag alis mo." bilin ko sa kanya, hindi ko na hinintay na sumagot siya. Tumayo na ako para pumunta ng kusina at magtoothbrush. After ko magtoothbrush, bumalik ako sa kuwarto ko para magpulbo at lipgloss.
Kinuha ko na ang bag ko at documents na kakailanganin namin sa paglalakad bago ako lumabas ng kuwarto ko. Pagdating ko sa salas, nakita ko namang tapos na din si Leanne at naglalagay nalang ng lipsticks sa labi niya.
"Babalik ka pa ba dito?" tanong ni Tyronne sa akin habang nililigpit niya ang mga pinagkainan namin sa mesa.
"Yup, alangan namang hindi eh condo ko to." sagot ko
"Pwee bang dumito muna ako habang wala kayo?" tanong niya
"Okay, just don't touch anything in this condo." paalala ko sa kanya habang inaabot yung doll shoes ko sa lagayan ng sapatos sa likod ng pinto ko.
"Okay, can I borrow your key?"
"For what? Namimihasa ka na ata Tyronne." kunot noong tanong ko
"Aalis lang ako sandali para bumili ng lulutuin ko for lunch. Para hindi na kayo mag abalang mag take out pa mamaya." sabi niya na ikinagulat ko.
"Just don't burn my condo." napabuntong hiningang sabi ko habang nilalabas ang susi sa may bag ko at iniabot dito.
Niyaya ko na si Leanne na umalis para maaga kaming matapos. Hindi naman nakaligtas sa akin ang ngiting nakapaskil sa labi ni Tyronne habang nagsasayaw pa na nagliligpit. Napailing na lang ako sa nakita ko at tuluiyan ng lumabas ng condo.
"