Kulang nalang tumalon ang puso ko sa sobrang kaba sa narinig mula sa bibig ni Orson. Awtomatikong nagbawi ako nang tingin dito. Hanggang sa makarating kami sa naturang kwarto na inukopa ko. "S-salamat," tugon ko dito na medyo nauutal. "You look tense," tugon ni Orson, saka nito binuksan ang doorknob. Ibinaba ako nito mula sa mga matipuno nitong mga bisig. "Am I?" pagdaka'y turan ko dito. "Yes, kinakabahan ka ba dahil sa kakaibang naramdaman mo sa tuwing nagdidikit ang ating mga balat?" Napansin ko ang seryosong anyo ni Orson. "Are you serious, Mr. Acosta?" "Do I look like I'm kidding, Ms. Del Fuego? Gusto ko lang malaman kung tama ba ako sa napapansin ko. O, ako lang ba ang nakapansin?" Napatuwid ako nang tayo nang marinig ang sinabi na iyon ni Orson. "Hindi kita maintindihan, M

