Narito ako ngayon sa aking opisina, kasalukuyang nagbabasa ng ilang magazine patungkol sa ilang mga stratehiya kung paano matagumpay na patakbuhin ang negosyo. Mula sa aking mesa ay kinuha ko ang mainit kong brewed coffee at sumimsim. Nang biglang may narinig akong katok mula sa aking pinto. "Yes, come in," saad ko. Nagulat ako nang kumalabog ang naturang pinto at pumasok si Kaitlyn na kasalukuyang pinipigilan ni Irish. "Bitiwan mo akong babae ka! Sasampalin ko lang itong lintik na amo na malandi!" asik ni Kaitlyn, at napatutop ako sa sariling bibig nang itulak nito si Irish. Nauntog ang ulo nito sa pinto. "Oh, gosh! Irish!" hintakutan kong sambit. Bago pa man ako makalapit kay Irish, at bago pa man din ako sugurin ni Kaitlyn, dumating ang tatlong security guard at maagap na pini

