(Penelope POV) Inabala ko ang oras ko sa business namin. Naitayo ko na ang bakery namin ni Heidi. Kaya dito na kami naglalaging dalawa. Kapag may order tinetext na lang kami at pinipickup na lang ng mga parokyano namin. " Penelope tumawag si Tita Let dadalaw daw sila ni Zandro sa weekends. Kung bakit kasi hindi mo na inopen ang phone mo. Ako tuloy ang laging nakakausap ng Tita mo." kailangan kong gawin iyon. Para makapagmove on na ako. Tanggap ko naman na ikakasal na sila ni Alexa. Tanging anak na lang niya ang mahalaga sa kanya. Hindi ko naman ipagdadamot iyon. " Sabihin mo na lang na puwede naman silang dumalaw kahit anong araw." sabi ko. Napapailing na lang si Heidi sa akin. " Oh Pene saan ka pupunta? Hindi ba ngayon ang punta ni Tita Let dito?" napahinto ako sa paglabas ng pinto.

