(Penelope POV) " Bakit umiiyak ang anak ko Kuya Rafa?" tanong ko. Umuwi kasi silang umiiyak ang anak ko habang kalong niya ito, nakasubsob sa leeg niya ang anak ko. " May lumapit kasi na isang lalaki natakot si Ethan sa kanya." biglang lumaki ang mata ko. Baka may gustong dumukot sa anak ko. Nilapitan ko ang anak ko at kinuha kay Kuya Rafa. " Anak okay ka lang ba? Sinaktan ka ba ng lalaking lumapit sa iyo?" tanong ko. Umiling iling ito sa akin. " Sabi ng lalaki siya daw ang Papa ko Mama" napamaang ako sa sinabi ng anak ko. "Akap niya ako Mama habang sinasabi siya daw si Papa" hindi kaya si Zandro iyon. Paano niya kami nahanap? Hindi maaring makita niya ang anak ko. Wala na siyang karapatan sa kanya. Magmula ng mas pinili niyang paniwalaan ang babaeng iyon. " Ethan anak kapag may luma

