Nagising ako sa isang mahina pero mabigat na katok galing sa labas. Chineck ko ang phone ko at mag 3:46 am na ng madaling-araw. Kaya bumangon ako para tignan ang kumakatok, saktong pagbukas ko naman ng pinto ay siya agad ang bumungad sa akin kaso basang-basa ito. 'Anong ginagawa niya dito?' takang tanong ko sa sarili. Malamlam ang mga tingin na tila ba nakikiusap na patuluyin ko siya sa loob hanggang sa natumba na siya pero ng saluhin ko ito ay hindi naman nagpapabigat. Nang magkadikit ang balat namin sa isa't-isa ay mainit ito. Inaapoy na naman siya ng lagnat. Sukat ba naman basang-basa eh, halatang nagbabad ito sa pool dahil sa namumuti nitong labi at sa mga damit nitong basa. Maputi na nga ang kulay, mas lalo pang namuti dahil nagbabad ito sa tubig. Buti nalang hindi nadulas ng

