Cassandra's POV Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina kaya napagpasyahan ko nalang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kaso pagdating ko doon ay nakita ko si Jake. 'Hindi parin ba ito nakakauwi?' Napunta naman ang tingin ko sa hawak nitong baso. 'umiinom siya?' Ano bang pakielam ko kung umiinom siya? Who cares? Tinitignan ko lang ito ng biglang tumingin sa akin. Ngumiti ito pero halata na ang pamumula nito sa mukha. Napaatras naman ako bigla o mas magandang sabihin natin na nagulat ako sa mga tingin nito. Bigla-bigla kasi itong tumitingin tapos nakangiti pa. "Hi." bati ko dito. "Bakit gising ka pa?" tanong nito. Nagtaka namam ako dahil hindi naman ito galit, dapat ko ba siyang sagutin? "Ahhmm, h-hindi makatulog." sabi ko dito habang kumukuha ng tubig sa ref. "dahi

