Cassandra's POV Kasalukuyang tumutulong ako sa Yaya nila Jared at Sam para sa agahan. Hindi kasi ako sanay ng hindi nagprepare ng pagkain ng mga bata kaya hinayaan nalang nila ako. Hindi ko nga alam kung masasabi kong agahan pa ba ito dahil tanghali na kung tutuusin. 10 am na ako nagising ng umaga at nasa Pilipinas na kami. Still tulog din ang mga bata ngayon dahil sa jetlag. Kung tatanungin niyo yung tumawag kahapon. Ayun, Hindi naman kami nasundo dahil hindi naman niya kaya. Tsaka, hello, hindi ako umaasa kahit naghintay kami ng 1 hour. Hayss. Buti nalang talaga dumating agad yung sundo namin. Dahil kung hindi, baka namuti ang mata naming mag-iina. Napaka niya talaga kahit kailan. "Mommy? Mommy? Where are you?" ingit ni Yuri sa di kalayuan. Hala, gising na sila. Agad n

