HTBC's Chapter 2

1535 Words
Cassandra's POV Agad akong bumangon ng maramdaman ko ang sikat ng araw sa aking mga mata. Chineck ko kaagad ang phone ko pero lowbat na ito. Inayos ko na ang aking sarili dahil nakatulog ako sa tabi ng anak namin. Medyo giniginaw rin ako pero di ko ininda yun dahil kailangan ko narin umuwi at baka nag-aalala na rin sila sa akin. Lalo na si Manang. Parang pagod na pagod ako sa buong byahe ko dahil nakatulog na naman ako. Papasok na ako ng gate ng maaninagan ko ang sasakyan ni Jake. Napangiwi tuloy ako ng maisip ko ito. 'Akala ko ba may business meeting siya sa US.' bulong ko sa sarili. Agad akong nagmadali papasok ng mansion ng biglang nag-init ang aking pisngi. *slap* Nagulat ako sa pinakita niya, kinabahan din ako bigla. Madilim ang awra nito ng tumingin ako sa kanyang mga mata. "San ka galing? Bakit hindi ka nagpaalam?" madiing hawak niya sa mga braso ko. "Nagpaalam ako kay Manang." sagot ko dito. "SAAN KA GALING!!, wag kang magsinungaling at wag mong gawing rason si Manang!" sigaw nito. "B-bakit ba? Bakit concern ka, akala ko ba nasa US ka?" mahinahon kong sagot. "YOU DON'T CARE IF I'M HERE, YUNG TANONG KO ANG SAGUTIN MO! WHERE DID YOU GO?!" Sigaw niya na lalong umaalingawngaw sa loob ng mansion "Iho, galing siya sa anak niyo, bitawan mo muna siya, kailangan na niyang magpahinga" hawak ni Manang sa braso ni Jake Pero pinanlisikan lang niya si Manang at tumingin ulit sa akin. "Manang, baka nanlalaki lang itong p*kp*k na ito, at dinadahilan pa ang anak naming namayapa na" sabay turo nito sa akin. *slap* Nagpanting ang aking tenga ng marinig ko ang mga sinabi niya mismo sa bibig niya. Grabe. "F*ck you Jake, sana inaalam mo yang sinasabi mo. Huwag kang magbintang ng kagag*han mo sa akin" duro ko dito. Akma akong aalis ng sinabunutan niya ako. "WHAT ARE YOU SAYING!" Jake "IKAW ANG NAMBABAE Jake, hindi ako." *slap* "Tandaan mo Cass, hawak ko ang pamilya mo even you, kaya wag mo kong magaganyan. Your my Wife at kailangan mo lang gawin sa pamamahay na ito ay pagsilbihan ako at hindi iputan sa ulo, kahihiyan ka sa pamilya ko, pasalamat ka at pinaglaban kita na dapat hindi na, you burden my life! You're not like the old Cass I know, tsk disgusting! Mang Berto, start my car" Sabay talikod nito sa akin "WIFE, WOW Jake, ngayon ko lang narinig yan, dapat nga ako ang mag reklamo, ako ang miserable dito, ako pa ang nababaliktad, kasalanan ko ba na ako ang asawa mo! HINDI, dahil ako ang pinakasalan mo. Asan na ba yung dating Jake na kilala ko, ikaw ang nagbago HINDI AKO! " sigaw ko sa kanya Pero hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy siyang umalis. Inaalo naman ako ni Manang paakyat ng kwarto. " Naku, iha, magpahinga ka muna at inaapoy ka na ng lagnat. Pagpasensyahan mo na si Jake. Maligo ka muna habang nag-aayos ako ng pagkain mo ng masabayan narin kitang kumain" paalala ni Manang Lucy. Tango na lang ang ginawa ko kay Manang Lucy habang umiiyak. Saktong paglabas nito ang siyang paghagulgol ko ng iyak ng maramdaman kong mainit nga ako. Sana tama si Manang na pagpasensyahan ko lang si Jake. Hindi ko lang matanggap na sa ilang taon namin pag-sasama ay mararanasan ko ang pagbuhatan ako ng kamay. Lalo pa at galing ito sa aking Asawa. Napaiktad naman ako ng pumasok na si Manang Lucy sa kwarto dala-dala ang dalawang pagkain. "Oh, umiiyak ka na naman? Tahan na. Alam kong masakit at nasaktan ka ng asawa mo. Tara, kain na tayo at uminom ka ng gamot ng humupa yang lagnat mo." ani ni Manang Lucy ng makapasok ito sa Kwarto. "Eh, kasi Manang, nagulat ako sa mga pangyayari" pigil kong hikbi. "Kahit man ako ay nagulat sa inasal ni Jake, akala ko nga kung ano ang hinahanap at ikaw lang pala ang hinahanap nito." sumbong ni Manang Lucy sa akin. "Ano ba kasi ang nagawa kong mali Manang gayon naman na tahimik akong asawa." tingin ko dito. "Wala kang mali Iha, si Jake ang may mali, kung tutuusin ay swerte na siya sa iyo. Mapagtimpi at matiising asawa ka. Kung lalaki man ako ay baka inibig na kita sa sobrang kabaitan mo." biro nito. "Manang talaga, kahit kailan ay pinapagaan niyo ang problema ko." pilit ngiti ko dito "Hala siya, tara nga dito at ng mayakap ka." sabay hagkan nito sakin na siya namang tinugunan ko. Kumain na kami ni Manang at nagkwentuhan na para lang mahupa ang mga nangyari kanina. Nakatulog din naman ako kaagad matapos kong makainom ng gamot. Nagising ako ng makarinig ako ng mga bagay na binabasag sa sala ng mansion. Agad naman akong bumaba para tignan ito. Napatla ako ng makita ko si Jake na nagbabasag ng mga bote sa loob mismo ng mansion habang si Manang ay tila nakikipag-awatan ito upang hindi lang matuloy ang ginagawa ni Jake. Naawa naman ako kay Manang kaya agad-agad akong tumakbo para umawat sa mga ito. "Jake, itigil mo yan. Nasasaktan si Manang" sigaw ko dito Tinignan lang ako nito pero kumuha ulit ng bote para muling ibato. "Manang, patawag naman si Mang Berto ng matulungan tayo dito. Please." ngilid kong luha at pakiusap kay Manang pero kailangan kong magpakatatag. "Jake, Please tama na" pakiusap ko dito "I don't care, B*tch" sabi nito at muling nagbasag na naman ng bote. "JAKE, ANO BA! titigil ka ba o titigil ka?!" oo yan talaga yun para wala siyang choice. "tsk" kumuha ulit siya ng bote sabay lagok sa laman nito at binato na naman. "Jake, ano ba, please naman." pagmamakaawa ko dito. "ARGGHHHH" sabay gulo sa mga pictures namin at nabasag ang mga ito. Nagitla naman ako sa ginawa niya. Kahit ito ay kaya niyang sirain. Tila nadurog ang puso ko ng marinig ko ang munting pino ng pagkabasag ng mga ito. "JAKKKKEEE, TAMA NA! PLEASE LANG!" tulak ko dito. Pero sa hindi ko na naman inaasahan ay tinulak niya ako. Agad naman ako tumayo para itulak ulit siya pero naunahan na naman ako nito. "tsk" sambit ko. Agad naman dumating si Manang Lucy kasama si Mang Berto para pigilan si Jake. Tumigil naman ito matapos kausapin ni Mang Berto. "Iha, nagdudugo ang mga kamay mo" sabi ni Mang Berto habang nakatingin sa mga kamay ko. "okay lang ako Mang Berto." ngiti ko dito dahil hindi ko naman maramdaman ang mga ito lalo na mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko sa puso. Akay-akay na ni Mang Berto si Jake paakyat ng hagdanan. Akma naman akong tutulong ng itulak muli ako ni Jake, buti nalang ay nakahawak agad ako dahil kung hindi ay baka nahulog na ako. Tinulungan ko nalang si Manang maglinis ng mga binasag ni Jake lalo na ng mga pictures namin na masasaya. Napahikbi naman akong hawakan ang mga larawan namin. Basag ang mga salamin, sira ang mga frames at nalukot din ang iba. Tila nadudurog ang puso ko sa tuwing hinahawakan ko ang bawat isa sa mga masasayang litrato namin na hindi na nasundan pa matapos mawalan kami ng anak. Napapaisip ako kung ano bang kasalanan ang aking nagawa at humahantong kami sa ganitong sitwasyon. Napangiwi namn ako ng dumaplis ang mga daliri ko sa babasagin na pinupulot ko. Siguro dahil sa naglalabo kong mga mata dala ng mga luha. Tinapik at hinagod lang ni Manang ang likod ko at sinabi kong 'Okay lang ako' kahit ang totoo ay durog narin ako. Umakyat narin ako ng kwarto matapos naming ligpitin ni Manang ang lahat na binasag ni Jake maging ang mga dugo na nagaling sa akin ay inayos narin namin. Nag-alok man si Manang na gamutin ang sugat ko ay hindi ko na pinyagan ito since kaya ko naman. Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nakatayo sa tapat ng bintana si Jake. Nakatingin sa malayo na tila akala mo ay hindi galing sa pagwawala. Malalim ang iniisip. "Jake," basag ko sa katahimikan. Tumingin lang ito sa akin at napatingin ako sa hawak nito. Alak. Oo alak ang hawak nito. *boogsh* Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya dahil binato niya ang hawak niyang baso ng alak pero pinilit kong maging mahinahon. "Jake, matulog kana. Lasing ka na" mahinahon kong sabi. Umismid lang ito tsaka humiga sa kama. "Simula ngayong araw na ito, Sa guest room ka na matutulog, ayokong makita mukha mo." ani ni Jake bago tumalikod ng pagkakahiga. "Jake, Please tell me what happen, bakit ka ba ganito ngayon?" tanong ko naman, alam kong naririnig niya pero walang sagot akong narinig mula sa kanya. Tsaka ko lang naramdaman ang pamamanhid ng aking mga kalamnan at palad sa mga sinabi nito. Nasasaktan man ay sinunod ko ito. Agad akong nagtungo sa mga damitan ko. Kinuha ko ang nga gamit na sa akin lang at iniwan ang mga bigay nito. Dumiretso agad ako ng guest room na sinasabi nito. Nang makapasok ay tsaka ko lang naibuhos ang mga luha na pumipigil mula pa kanina. 'bakit, Jake, bakit mo ko pinahihirapan' hagulgol kong iyak. Maya-maya pa ay nakatulog nalang ako sa sobrang pagod sa paghikbi maging ang paglinis sa kamay ko ay nakaligtaan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD