Chapter 42 "Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo ako hinahayaang magpaliwanag, just hear me out, pagkatapos no'n kung hindi mo pa rin ako mapapatawad, fine aalis muna ako, I'll give you space and time." Biglang kumirot ang puso ko sa ideyang 'yon ni Tusher, hindi ko yata kaya iyong ganoon. Napangiti ako ng mapakla sa naisip ko, parang kanina lang ay ayaw ko siyang makita, kasi gusto kong mag-isip isip at mapag-isa pero heto siya sa harap ko ngayon, f**k! Bakit ba ang bilis magbago ng isip ko pagdating sa kanya? Napabuntong hininga ako pagkatapos ay tumango. "Fine, mag-explain kana." Para siyang nabuhayan nang marinig ang sagot kong iyon, tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinawakan ang dalawa kong kamay. "No'ng araw na maglulunch tayo, hindi ko naman alam na may nakasched pala ak

