Chapter 38 "Ahh!" sigaw ko, ah s**t! Ang sakit ng tyan ko! Ouch! Parang nagwawala si baby sa loob! Sakto namang lumabas si Tusher sa kwarto. "Babe let's go, Mommy pahabol nalang 'yong mga gamit nakaready na 'yon doon sa taas," natatarantang sabi ni Tusher, inalalayan niya akong pumunta sa sasakyan. "Babe sa likod ka na umupo ah," sabi pa niya pero umiling lang ako, ayoko! Kailangan ko siya ngayon! Kahit naiinis ako sa kanya, gusto ko nasa tabi ko siya. "Dati naman sa harap mo 'ko lagi pinapaupo ah, bakit ngayon sa likod na?" tapos tumulo na 'yong luha ko, ang sakit na talaga! "s**t naman Lauri 'wag ng matigas 'yong ulo, mas safe kayo ng anak ko dyan sa likod!" sigaw niya, hays! Hindi na 'ko umimik pa. "Babe sorry," sinubukan niyang lumapit pero hindi niya na nagawa kasi pumasok na '

