Emperor's POV "Gawin mo lahat ng ibinilin ko sa iyo Arthuro. Ipapakita ko sa Santibañez na iyan kung sino ang kinakalaban niya." bilin ko kay Arthuro bago ko tinapos iyong tawag. "Highblood ka na naman! Sino na naman ba iyan?" tanong ng kadarating na si Gabriel sa akin. Si Matt ay tatawa tawa lang sa isang tabi. Dahil dito ko unang nasabi ang lahat dahil ang init daw ng ulo ko. Sinong hindi iinit ang ulo sa nangyari kanina? Asawa ko ang gusto niyang kuhanin sa akin. "Bakit ang seryoso mo naman ngayon? Hindi kami sanay." biro sa akin ni Mik Mik. Kadarating lang nito kasama si Hermes at Gabriel. Hinihintay lang namin makapagbihis iyong mga bata at aalis na kami. "Clifford Santibañez." simpleng sagot ni Matt saka nagtawanan na naman sila ni Gabriel. Sinamaan ko lang ng tingin iyong dal

