Warning for this chapter! Full of violence ________________ "Gising! Hoy! Itong pagkain mo! Gumising kana dyan!" Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagbabaka sakali na nananaginip lang ako pero hindi. Iyon pa rin ang mga lalake na dumukot sa akin sa nagdaang gabi. Ramdam na ramdam ko iyong pamamanhid ng muka ko sa mga natamo kong sampal kay Ysabel. Tiningnan ko lang siya ng matiim. Pinanlakihan ako nito ng mga mata. "Kumain ka sabi! May bisita kang naghihintay sayo sa labas. Kailangan mo daw magpalakas." sabi sa akin ng isang lalake sabay tulak sa pagkain na nasa paanan ko. Tiningnan ko siya at ang buong paligid. Mag isa lang siya. Nag isip ako kung paano ako makakatakas. Kagabi ko pa iniisip kung paano ko sila tatakasan. Iyon lang ang nasa isip ko. Sigurado na nagwawala n

