Part 4

3304 Words
Cassandra's POV Nagising ako na tila binibiyak ang aking ulo. Ni hindi ko magawang makabangon dahil sa saglit na pagkilos ay umiikot ang paningin ko. "Ouch!" daing ko ng maramdaman ko iyong pagkirot ng ulo ko. "Oh, God! Awwww!" I hissed. Napilitan lang akong tumayo ng maramdaman ko ang tila paghalukay sa aking sikmura. Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo, dumukwang sa bathroom sink at doon ko inilabas lahat ng kinain ko ng nagdaang gabi. Wala akong paki alam ngayon kung wala akong ni isang saplot sa katawan. Ang mahalaga sa akin ay ang nararamdaman kong matinding sakit ng sikmura at pagkahilo. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ng may hang over o ng lasing pero parang ganoon ang nararamdaman ko ngayon. Sa bathroom sink lang ako kumukuha ng suporta dahil baka kapag bumitiw ako dito ay tumumba nalang ako. A moment later, I felt a gentle rub on my back then I heard my husband voice. Pinatungan din ako nito ng bathrobe sa balikat ko at hinawakan nito iyong buhok ko para hindi ko masukahan. "Babe, are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Elvin. Umiling ako dahil hindi pa rin matigil ang pagsusuka ko. Feeling ko lalabas na iyong lahat ng intestine ko sa katawan dahil wala na akong maisuka. Pati iyong atay at balunbalunan ko. "I'll bring you to the hospital, Babe." may pag aalala sa boses niya. Hindi ako Kumibo. Nagmumog at naghilamos ako ng makayari ako sa pagsusuka. Inabutan naman ako agad nito ng isang face towel at inakay paupo sa kama. "I-I'm okay now, Babe. Don't worry, I-I'm fine." sabi ko pero may pumitik na naman sa sentido ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Elvin. "No! You are not okay." matigas na sabi nito. Nakita ko na may pinindot ito sa ilalim ng bedside table namin at pag katapos ay binihisan niya ako. Marami pang sinasabi ang asawa ko pero hindi ko na maintindihan. Nanlalabo na iyong paningin ko. Parang wala na nga akong pakiramdam. "Casey, Babe? Cassandra! Cassandra!" That is the only thing I heard and everything went blank. _____________ Emperor's POV Nagising ako ng makapa ko na wala si Cassandra sa tabi ko. Taranta akong tumayo at nagsuot lang ng boxer at pajama. Natagpuan ko ito sa bathroom at Nagsusuka. Hinablot ko lang ang bathrobe nito at ipinatong ko sa balikat nito. I gently rub her back. Hinawakan ko rin ang buhok niya. "Babe, are you okay?" nag aalalang tanong ko sa asawa ko. Umiling ito at patuloy sa pagsusuka. "I'll bring you to the hospital, Babe." Hindi ito Kumibo. Nagmumog at naghilamos lang siya ng makatapos sa pagsusuka. Inabutan ko agad ito ng isang face towel at inakay paupo sa kama. "I-I'm okay now, Babe. Don't worry, I-I'm fine." sabi nito. Pero naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa braso ko. "No! You are not okay." I hissed. Pinindot ko muna ang emergency button na nakalagay sa ilalim ng bedside table namin na nakakunekta sa kwarto ng mga bodyguards ko. Pagkatapos ay Agad kong hinagilap ang mga damit nito na nagkalat sa sahig at agad ko itong dinamitan. Parang manika na desusi lang itong sumusunod sa utos ko. "Babe, Look at me." masuyong utos ko dito. I gentle touch her cheeks. My wife looked so pale. Maputlang maputla ito. "Casey, Babe? Cassandra! Cassandra!" Pero nawalan na ito ng malay. Tarantang binuhat ko ito at dali dali akong lumabas ng kwarto. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. Wala akong kinatatakutan pero iba ngayon. Para akong sisintensyahan. Pagbaba ko ng hagdan ay nagkakagulo na ang mga bodyguards at ang mga katulong dito sa mansion. "The car! Get the car!" frantic na sigaw ko sa mga ito. Nagmamadaling inalalayan naman kami nila Rogelio. Tarantang taranta ako ngayon. Isa lang ang nasa isip ko ang madala ko ito sa ospital. Lahat yata ng mura ay nasabi ko na habang hindi pa kami nakakarating sa ospital. Yakap ko lang ng mahigpit si Cassandra. s**t! Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagkaganito ang asawa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung may mangyaring hindi maganda dito. Hindi ako pala dasal pero ngayon ay nasabi ko na yata lahat ng dasal na alam ko. Nagmamadaling pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan ni Nardo ng makarating kami sa ospital. Agad namang may sumalubong sa amin mga nurse. Hawak hawak ko ang kamay ni Cassandra hanggang sa harangin ako ng isa sa mga ito na hindi daw ako pwepwede sa loob ng emergency room. "Emperor, bawal na po kayo sa loob. Hanggang dito nalang po kayo." seryosong sabi nito sa akin. "What?!" I hissed. Mukang natakot ito sa akin dahil namutla siya. Kinuwelyuhan ko ito. Wala akong paki alam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. "Papapasukin mo ako o papasabugin ko iyang bungo mo?" seryosong tanong ko dito. Lalo itong namutla. "E-Emperor bawal po talaga. M-Magagalit po si Doc!" takot na takot na sagot nito sa akin. Mas hinigpitan ko ang hawak ko dito. Iyong tipong hindi na siya makakahinga. Hindi niya ba ako kilala?! I'm the green eyed Emperor! Binitiwan ko lang ito ng may tumapik sa balikat ko. "Simon, huwag mong takutin ang mga staff ko dito sa ospital!" saway sa akin ni Mattheo. "You can go, Michael!" baling nito sa lalakeng nurse. "Ayaw nila akong papasukin sa loob! Hindi ko alam kung ano ng nangyari sa asawa ko! Kailangan nasa tabi niya lang ako." I hissed. Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok dahil sa frustration. "Hayaan mong gawin nila ang trabaho nila. Matuto kang maghintay. Hindi naman nila papabayaan si Cassandra." dagdag pa niyo. Lalong nalukot ang muka ko at nagparit parito ako. I walked back and forth. Si Mattheo naman ay preteng naupo sa isa sa mga silya na naroon at hindi mawala ang ngisi sa mga labi. "What?" I hissed at him. Kaya lalong lumawak ang pagkakangisi nito sa akin. Mukang wala naman itong balak mag rounds sa mga pasyente niya kahit mukang kakapasok lang nito. I think he got laid last night sa itsura ng pagkakangiti nito sa akin. Mukang okay na okay ang pagtatapat nitong si Mattheong torpe. "Si Cassandra lang pala talaga ang nakakapagpawala sa composure at poise ng isang Emperador aka Simon Timothy Elvin Fontanilla III." dagdag pa nito. I just gave him a middle finger na tinawanan niya lang at binalingan ang cellphone nito. Mukang katext na naman nito ang baliw na si Maria dahil maya maya at tumawa na ito. Mukang nahawahan na. Iyong walong bodyguards naman namin ni Cassandra ay nakahilera at nakatayo lang sa isang tabi at alertong alerto. "Damn it! Mattheo, bakit ang tagal tagal naman?" Inis na baling ko dito. He smirked at me. "Huwag ka ngang O.A Emperor. Wala pa ngang sampung minuto na nasa loob si Cassandra. Ano ba kaseng nangyari at nawalan nalang ng malay iyang asawa mo?" usisa nito. "I don't know! Nagsuka lang siya tapos nawalan na siya ng malay. Hindi ko alam Matt! Bakit ako ang tinatanong mo? Tingin mo kung alam ko, hindi ako mag aalala ng ganito." inis na sagot ko. "Bakit naman kase pinagod mo kagabi at nasobrahan? Dalang dalangan mo kase. Inaraw araw mo yata at ginawa mo pang three times a day." biro pa nito sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "I won't discuss my sexlife with you." pasupladong sagot ko dito at nagpalakad lakad ulit ako sa harapan nito. Napasabunot na naman ako sa buhok ko dahil sa pagkainip. "I hate waiting, Mattheo. And you know that!" sinuntok ko pa ito sa balikat na tinawana niya lang. "Wala ka talagang paki alam sa paligid mo hano?" tanong sa akin ni Mattheo. "Don't talked to me. I'm freaking nervous!" pasusungit ko dito. "Rogelio, hindi nyo manlang ba ipinagbaon ng damit iyang amo nyo? Mukang maliligalig ang buong ospital ko sa nakikita ng mga tao ngayon dito sa ayos ng amo nyo. Ibinalandra pa niya talaga iyang abs niya. Mababaliw lalo ang mga babae kong staff dito pati ang ibang pasyente." narinig kong kausap ni Mattheo sa isa sa mga body guards ko. Lalo akong napailing ng makita ko ang mga magulang ko kasunod ang Lola ko na sandamakmak na bodyguards na naman ang kasama. "What happened, Thirdy?!" bungad sa akin ni Mama at Lola. Napakamot nalang ako sa baba ko. "Ma, huwag nyo muna akong kulitin ng kulitin ngayon ni Lola. Hindi ko pa nga alam kung ayos ba ang asawa ko! Don't talked to me yet! Kinakabahan akong lalo." pagsusungit ko sa mga ito. They just rolled their eyes at me. Si Papa naman ay nagkibit lang ng mga balikat. Narinig ko pa sila Lola na kinukulit si Mattheo. Tapos nagtilian na naman si Lola at Mama. "Pa, looked at them!" parang batang sumbong ko kay Papa dahil naiingayan ako. Tinapik lang ako ni Papa sa balikat. Gusto ko na namang mapangiwi ng pagmasdan ko ito. Ngayon palang alam ko na ang itsura ko kapag tumanda na ako. Pagkatapos ay inabutan ako nito ng isang puting T'shirt. Nagtatakang tiningnan ko pa si Papa. "Be aware of your surrounding, Simon. Alam ko namang sobrang gwapo mo anak. Alam kong ring nataranta ka. Pero paki suot mo lang iyang t'shirt at maraming mga matang nagkakasala dito. At baka hindi iyon gustohin ng asawa mo." natatawang sabi pa nito. I smirked. "Boyfriend!" tili ng bagong dating. Lalo akong napangiwi ng makita ko si Maria na talagang nilundag pa si Mattheo at hinalikan. I smirked. Kung sakaling tama ang hinala ko, mukang magkakaroon pa ako ng kamag anak na may topak. Pang dagdag sa pederasyo nila Mama. "Uy, Mayor Este Emperor! May pa pandesal tayo ah. Tamang tama sa umaga. At mukang mabentang benta lalo na sa mga kababaihan na narito." bati nito sa akin na tinanguan ko lang. Pagkatapos ay padaskol kong isinuot iyong t'shirt na ibinigay ni Papa. Nagdagdag pa sila ng isa pang maingay. "ST, sigurado ka bang wala kang ibang anak sa ibang babae?!" narinig ko pang usisa ni Mama kay Papa. "Gwapo lang ako Honey pero hindi ako kaladkaring lalake." sabi pa ni Papa kay Mama. "Muka ka na namang constipated. Anong nangyari kay Miss Cassandra?" usisa ni Maria sa akin. Hindi ako kumibo. Magsasalita sana ako ng lumabas ang isang doctor. "Sinong asawa ng pasyente?" bungad nito. Agad na nabaling ang atensyon naming lahat dito at dali dali akong lumapit. "I'm her husband. Doc, kamusta ang asawa ko? Ayos lang ba siya? May sakit ba siya?" sunod sunod na tanong ko dito. "She's totally fine, Mr. Fontanilla. Normal lang ang nangyari sa kanya. At walang sakit ang asawa nyo." nakangiting sagot nito. Napabuntong hininga kaming lahat.  "Bakit siya hinimatay kung walang sakit ang asawa ko? Is that even normal?" naguguluhan kong tanong. Ngumiti lang ulit ito sa akin. "Mukang hindi nyo pa alam." tumango tango pa ito. "Anong hindi pa namin alam?" singit ni Mariang madaldal. Sinenyasan ko si Mattheo. Pinatahimik lang ito ng huli. Binalingan naman ulit ako ng Doctor. "Normal lang ang nangyari sa kanyang pagsusuka at pagkahilo. Normal na sintomas lang iyon sa isang babaeng nagdadalang tao." Natahimik kaming lahat. "Y-you mean. You mean." hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko. Bigla ang pagkabog ng dibdib ko. "Congratulation Mr. Fontanilla! Magiging Daddy kana! Your wife is 8 weeks pregnant. Pwede mo na siyang ilipat sa isang private room. Irereffer ko na rin kayo sa isang-" Hindi ko na narinig ang iba pa nitong sinabi dahil napamaang lang ako dito at sinusubukan kong idigest ang lahat ng sinasabi nito sa akin. Wala rin akong paki alam kung nagkakagulo na si Lola at Mama na isinama pa sa ingay nila si Maria na kasama na ngayon ang byanan nitong hilaw. "Magiging Tatay na ako?" itinuro ko pa ang sarili ko. Nakangiting tumango ulit ang Doctor. Tinapik pa ako nito sa balikat at iniwan na kami. Hinarap ko naman si Papa na nakangiti sa akin. "Pa, did you hear that? Magiging Daddy na ako! Magiging Daddy na ako! Magkaka apo kana!" tuwang tuwa sabi ko sa mga ito. "Congratulation anak! Finally, magkaka apo na ako!" sabay ngisi nito sa akin. "Sana babae, Thirdy! Sawa na ako sa puro barako!" hirit ni Lola. "Mattheo, anak. Umpisahan nyo na ulit ang practice ni Maria." "Ma, lalaban pa tayong Miss Universe hindi ba? Hawak ko na nga itong korona ah." "ST, iparenovate na natin iyong isang kwarto sa Hacienda. Pahanapin mo ang secretary mo ng pinakamagaling na interior designer! Iyong pinakamahusay." utos ni Mama kay Papa. Pagkatapos nun ay nagkagulo na naman silang lahat. "Quiet!" sigaw ko sa kanila. Tumahimik naman sila. "Emperor, sana sa akin magmana iyong anak mo! Sigurado. Matalinong matalino siya!" sabi pa sa akin ni Maria. "No!" sabay sabay naming sagot dito. "Ay, grabe sila oh!" sabi nito at binalingang ang iiling iling lang na si Mattheo. "Boyfriend, gawa na din tayong baby. Bilis!" __________________ Cassandra's POV Namulatan ko na naman ay isang puting kisame. I even smell alcohol. I sighed. So what happened this time? Ayokong ayoko pa naman ang amoy ospital. Kinikilabutan ako. Feeling ko hinihila ako sa hukay at sa nakaraan. "Babe, how's your feeling?" masuyong tanong sa akin ni Elvin kaya napabaling ako dito. He kissed my palm. Hinimas himas pa nito iyong buhok ko. "Medyo nahihilo lang ako. But I'm okay now. Anong nangyari?" masuyong tanong ko dito. Tinitigan ako nito. Iyong pag aalala niya ay mababasa pa rin sa mga berdeng mata nito. Nakakunot na naman ang nuo nito kaya nginitian ko siya at hinaplos ang gwapong muka ng asawa ko. "Nakakunot na naman iyang noo mo. Okay na ako, Babe. Huwag ka ng mag alala." Mas humigpit iyong hawak niya sa kamay ko. At hinalikan na naman ang mga kamay ko. "Thank you for everything, Babe. For giving me the best early birthday gift ever." nakangiting sabi nito. Pati iyong mga mata niya ngayon ay nakangiti. Naguguluhan ko siyang tiningnan dahil wala pa naman akong ibinibigay na regalo sa kanya at next week pa ang birthday ni Elvin. "Ha? I don't understand?" naguguluhan kong tanong dito. Hinawakan niya ang isang kamay ko at dinala niya sa tyan ko. Maang na napatingin ako dito. He smiled at me. "Babe, you are going to be a mother. We were going to be a parents." sabi nito. My mouth parted literally. Hindi ako nakakibo kaya nagpatuloy siya. "Magiging Mommy kana. You are eight weeks pregnant." mangiyak ngiyak niyang sabi sa akin. Ako naman ay napahikbi at wala sa sariling napahimas sa tyan ko. Tapos ay agad akong yumakap sa asawa ko. Kase hindi ko alam kung saan ko ilalagay iyong kasiyahan ko. "Magiging Daddy kana!" bulong ko pa dito. Mas humigpit ang yakap ko dito. "Salamat sa lahat Cassandra. For making me a better person and for loving me unconditionally. And now, for completing our family." Lalo akong napahikbi sa sinabi nito. Dapat ako iyong nagsasabi ng balita na magiging Tatay na siya pero hindi ko manlang napansin na delay nga pala ako at lagi akong nakakaramdam ng pagkahilo sa nakalipas na araw. "Dapat ako iyong nagbabalita sayo na magkakaanak tayo pero nabaliktad." Inilayo niya ako sa kanya at saka masuyong ngumiti sa akin. "Hey, it's not your fault. Ang importante okay ka. At magkakababy na tayo. Don't think too much. Alam mong bawal sayo ang mag isip ng kung ano ano. Hindi nalang sarili mo ang dapat mong alagaan ngayon." Umiiyak na tumango ako dito. "Boyfriend, ang sweet talaga nilang tingnan!" Napabaling ang atensyon ko sa nagsalita. Nginitian lang ako ni Maria. Nandito pala silang lahat pati ang mga byanan ko. Lahat sila ay nakangiti sa akin tapos ay nagsabi ng pagbati. Tapos ilang minuto lang ay pumasok na iyong isang doctora kasama ng dalawang nurse. Ito daw ang magiging OB ko sabi ni Lola Margs. Tinanong ako nito kung ok na ang pakiramdam ko at ng sinabi kong ayos na ay tinanong ako nito kung gusto namin ni Elvin na makita ang baby sa tyan ko. "Yes! Please!" tuwang tuwang sabi ni Elvin. Akala mo ba isa siyang bata na binigyan ng candy dahil nagniningning iyong berde niyang mga mata. Napangiti ako kase halatang masayang masaya ang asawa ko sa balita. Agad naman nagpatawag ang doctora ng mag assist sa amin papunta sa clinic nito. "Bakit kasama kayong lahat?" masungit na tanong ni Elvin sa mga kaibigan niya at sa mga magulang niya. Tinaasan lang ito ng kilay ng Lola niya. "Moral support!" sagot ng mga kaibigan nito at nauna pa sa aming pumasok sa clinic. "Remind me for having a friends and family like them." napapailing na komento nito habang tulak tulak nito iyong wheelchair ko. "Be thankful kase kung wala sila wala ka ngayong happy ever after." sagot ko sa kanya. "Well, your right. I will thank them later. Excited na ako Babe!" sabi pa nito. Napatawa nalang ako. "Thirdy, hurry up! Nagproprosisyon ba kayo? Excited na akong makita ang apo ko!" Sabi pa ng Lola nito. Napapalatak nalang si Elvin. Mahina akong natawa. Iyong mga nurse naman na naka assist sa amin ay hindi alam kung sino ang uunahin. Nagkakagulo sila dahil na rin siguro nandito iyong buong Big Five isama pa si Tita Ezra iyong nanay ni Mattheo na pyschologist ko din, na siyang may ari nitong ospital. Napapailing nalang iyong si Doctora Val. Pagkatapos ay sinabi nito na mahiga ako sa hospital bed na naroon. Iyong mga nurse sana ang mag aassist sa akin pero sinamaan lang ito ng tingin ni Elvin at siya na mismo ang bumuhat sa akin at maingat akong inihiga sa kama. Tapos ay tinakpan nito ng kumot ang paa ko hanggang tyan. "They might see you only wearing undies. And you know I won't allowed that to happened." bulong nito. Napailing nalang ako pati iyong doctora. Tapos ay inutusan nito iyong mga nurse na lumabas na. "Dahil nasa early stage palang ng pregnancy ang asawa nyo Mr. Fontanilla we need to do the transvaginal ultrasound." paliwanag nito. Napalunok ako at tumingin kay Elvin.  Nakakunot naman iyong noo nito ng makita ang aparato na gagamitin sa akin. Biglang humigpit ang hawak ko sa kamay nito. "You mean kailangang ipasok iyan-" "Yes!" Putol nito sa iba pang sasabihin ni Elvin at binalingan ako. "Hindi naman ito masakit Mrs. Fontanilla." nakangiting paninigurado nito sa akin. Tumango lang ako at alangang ngumiti dito. Napabuntong hininga naman si Elvin at binalingan ang pamilya niya na tahimik na nakamasid sa amin. "Did you all hear that? Boys are not allowed. Ako lang. Kahit ikaw Papa." nagtaas lang ng kamay ang mga kaibigan ni Elvin at lumabas na kasama ang Papa nito na tatawa tawa. "Shall we begin?" tanong ni Doctora Val. Nagkatinginan pa kami ni Elvin at sabay na tumango. Hawak hawak lang ni Elvin iyong kamay ko. He even stroke my hair and kissed me on my lips. "Are you okay?" alalang tanong nito sa akin. Pilit akong ngumiti kahit hindi ako mapakali pero nasanay na din ako. Doctora Val started to move that thing. Tapos ay itinuro nito ang malaking monitor na nasa harap namin. "Wow!" sabi pa nito. Nagkatingin kami ng asawa ko sa sinabi niya. Tapos ay itinuro nito ang dalawang puting tuldok na nasa screen. It was black and white. "There's your babies!" "Babies? Ibig sabihin kambal ang magiging apo ko Doctora Val?" di makapaniwalang singit ni Lola. "Yes! Congratulation Mr. and Mrs Fontanilla. Kambal ang magiging anak nyo." baling ni Doctora sa amin. Hindi ko alam pero napaluha na naman ako at nginitian ko si Elvin na ngayon ay tumingin ulit sa screen na nasa harapan namin. Nakita ko ang pang gigilid ng luha sa mga mata nito. "You see that, Babe? That's our Babies. We made that." masayang sabi nito. Hindi namin alintana ang pagkakagulo ng mga magulang nito at mga asawa ng kaibigan niya na nag una unahang lumabas ng kwarto kaya natawa nalang kami pati si Doctora. "They seems really excited huh? Lalong lalo na si Doña Margarita." nakangiting baling pa sa amin ni Doctora. May itinawag lang ito sa intercom at pumasok ang secretary nito na may dala dalang isang maliit na litrato at inabot ito kay Elvin. "That's your babies sonogram." sabi pa nito at iniwan na kami. Hindi ko alam pero bigla nalang umiyak ang asawa ko ng mahawakan nito iyong sonogram at mahigpit akong niyakap. Gumanti lang naman ako ng yakap dito at hinayaan ko lang siya. The Green Eyed Emperor is crying again. Noong kasal namin una ko itong nakitang umiyak and then ngayon dahil sa sonogram ng kambal. "I love you so much Cassandra. You made me whole." bulong nito. "I love Elvin. Forever." We stayed like this for a minute. Ano pa bang hihilingin ko? I have a loving husband tapos magkakaanak pa kami hindi lang isa kung hindi kambal. Everything seems to be perfect.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD