Emperor's POV Napasabunot nalang ako sa buhok ko at padabog akong naupo sa kama. "Damn it!" I hissed. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagawa kong sigawan si Cassandra. Hindi dapat pero nagawa ko. Ito iyong first time na nagkaganito kami. Nag aalala lang ako sa kanya dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa kanila ng kambal. Grabe ang takot na naramdaman ko ng sabihin sa akin na isinugod nila ito sa ospital dahil dinugo siya. And I really hate seeing her lying in a hospital bed. Parang dinudurog iyong pagkatao ko. Hindi kaya ng puso ko. Tapos nasabayan pa ng problema sa kompanya. May nagtimbre kay Hermes na may ipupuslit na ilang mga smuggle guns at drugs na dadalin sa ibang bansa. At gagamitin ng mga ito ang shipping line company ko para maipuslit nga iyon. Sabi nga ni Gabriel, ma

