CHANDRIA Nang makabalik kaming dalawa ni Marie sa taas ay humiwalay na kaming dalawa. Mabuti na lang talaga dahil mukhang umaayon si Fabiano sa mga plano ko lalo na at sobrang busy niya sa kaniyang trabaho at wala naman siyang pakealam sa amin. Habang naglalakad ako pabalik sana ng kwarto ni Gab ay napansin kong naglalakad si Nikko papunta sa direksyon ko. “Ma’am, sinabihan po ako ni Sir Fabiano kanina na mag-ayos na raw po kayo at baka late na siya makauwi mamaya dahil bukas po ng umaga ay aalis na kayo pabalik ng New Zealand.” “Uh, yeah. Bakit ba kasi nagmamadali si Fabiano at he knows na kagigising lang ni Gab?” sambit ko pa sabay ngiti kay Nikko. “But anyway, if it’s really the best for us, then mag-aayos na ako.” Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at kaagad na lang na umakyat

