CHANDRIA I waited for almost two hours para magparamdam si Mira pero wala akong natanggap. Pasado alas-dos na ng hapon pero wala pa rin dito si Fabiano. Nakaramdam na rin ako ng hilab ng tiyan dahil simula kanina ay hindi pa ako nakakain kahit almusal. For the nth time, I tried contacting Mira, again. Wala talaga akong natatanggap na notification galing sa kaniya pero hindi na ako nag-isip ng kung anong negatibo dahil alam ko namang hindi siya mahuhuli. If the thing about the chip is true, then...si Marie ay may ganoon din. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon din ni Marie kay Fabiano o sa akin pero kapag gumaling na si Gab ay aalamin ko talaga lahat. "Mrs. Hellington?" Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at tumambad sa akin si Doctor Trinidad. Napatayo na ako at lumapi

