LESSON 15- School Trip

1232 Words

WALA sa sarili si Olga nang pumasok siya kinabukasan. Nangangalumata ang kanyang mga mata dahil sa puyat. Hindi siya nakatulog kagabi dahil sa panggagambala sa kanya ng kaluluwa ni Joshua. Wala siyang ideya kung bakit kailangan nitong magparamdam sa kanya. "Hi, Olga!" salubong sa kanya nina Sabina, Alyson at Lucy. "Ready ka na ba sa pagganti kay Elizabeth sa field trip natin next week? Kasi kami, ready na!" ani Lucy sa kanya. Umiling siya. "Sige, gantihan niyo si Elizabeth pero labas na ako sa gagawin niyo sa kanya. Ayoko na! Hindi niyo ba nakita iyong nangyari noon, ako ang pinagbintangan niya sa ginawa niyo sa kanya!" "Pwede ba, Olga, 'wag ka nang mag-inarte?" sabi sa kanya ni Sabina. "Ikaw na nga ang tinutulungan diyan, eh. Ginagawa namin ito dahil kaibigan ka namin!" "Pero ayoko n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD