LESSON 18- Bully's Tears

1191 Words

"'NAY, ilabas niyo ako dito... Parang awa niyo na. Wala po akong kasalanan. Hindi ko po pinatay si Elizabeth!" "Alam ko, anak... Alam ko..." Wala nang nagawa ang nanay ni Olga kundi ang umiyak na lamang sa kalagayan niya. Dinalaw siya ng kanyang ina ng araw na iyon sa kulungan. Nasa visiting area sila at doon nag-uusap. Walang nagawa si Olga at ang kanyang ina kundi ang mag-iyakan na lamang. Malakas ang ebidensiya laban sa kanya. Tatlong sinungaling na testigo laban sa kanya. Isa pa'y meron nga naman siyang dahilan para kitilin ang buhay ni Elizabeth. -----***----- "HINDI ka ba kakain?" Tiningnan lang ni Olga ang kanin at ginisang gulay at tubig na nasa kanyang tray. Hindi pinansin ni Olga ang tanong na iyon ng babaeng kasama niya sa kulungan. Tatlong araw na niya itong kasama doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD