Chapter 1

1076 Words
Chapter 1 Geez! Kailan ba sila titigil sa kakahabol saakin?! Hindi ba sila napapagod dahil ako pagod na pagod na! Marami na akong nasirang gamit at tinda dito sa palengke. Geez! Bahala sila, hindi ko na kasalanan yan Lumingon akong muli sa aking likod. Yung kaninang tatlong lalaking naka-itim lang ngayun ay marami na. Mga tindero at tindera na may hawak na itak at kahoy idagdag mo narin ang mga pulis na may dalang batuta at pumi-pito pa. Para naman akong mamamatay tao sa lagay na ito! Ng makita ko ang mall di' kalayuan saakin ay nagkaroon ako ng panibagong lakas. Jackpot! "Ouch!" sh*t! dahil sa sobrang saya ko ay di' ko nakitang may nakaharang palang tao. "Miss. Are yo--" di ko na siya pinatapos pa at tumayo na saka tumakbo ulit kahit na sobrang sakit ng pwet at ulo ko. Pagpasok ko sa mall ay biglang nawala ang sakit na nararamdaman ko ng makita ko ang sobrang daming tao. Agad akong nakipagsiksikan at ng malayo layo na ako ay napalingon ako sa aking likod. Napangiti ako ng wala na sila. Times up na tayo sa takbuhan. Hide and seek naman Saan na nga ba ulit ang fire exit nito? Ah! Malapit sa comfort room. Agad akong nagtungo doon at ng makita ko na ay lumabas na ako. Kita-kita nalang ulit tayo sa ibang lugar, dahil sa tingin ko hindi na ako safe sa lugar na ito. Pero sana di niyo na ako mahanap pa. "Hey!" In just a second, nawala ang mga ngiti sa labi ko at naging mala statwa ako. Wag niyong sabihing nasundan parin ako! Aish!Aish!Aish! Deep breath. Deep breath. Dahan dahan akong lumingon sakanya na may pilit na ngiti sa aking mata at labi. "A-anong kasalanan ko sainyo, miss? Pwedeng pwede natin pag-usapan yan" mas nilakihan ko pa ang ngiti ko para mas mag mukhang... mabait ako? "Stop smiling. I'm not one of them" biglang nawala ang ngiti ko sa naging tono niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at nawala na ang kaninang ako. "Then what?" Malamig pero kalmado kong sabi. Napangisi naman siya saka ako inabutan ng isang bottled water "Here, I know that you're very tired from running and running" agad akong napa-ayos ng tayo. Bakit parang may mali? "No thanks" saka ko siya nilagpasan. Wala na akong oras para makipag usap pa sakanya dahil hindi magtatagal andito na sila. "You're welcome, dear. Come on, they are here" bago pa ako makapag salita ay ginuyod niya na ako papasok sa van. Nakita ko mula dito sa bintana ang mga taong naghahabol saakin kanina. Tinignan ko ang tatlong naka-itim na lalaki, yung isa ay may kausap na sa telepono. Tsk. Hinding hindi ako papahuli sainyo. Tandaan niyo yan! "Hindi ka ba napapagod kakatakbo sakanila?" Umiling ako. "I'm running for my life. Sa oras na mahuli nila ako lalo na ang tatlong naka itim na yan tapos na ang buhay ko" tiyaka ko inalis ang tingin sa mga naghahabol saakin at tumingin sakanya "Kamatayan ko na" malamig na sabi ko. "But you know, hindi pwedeng takbo ka lang ng takbo. You need to face them" napangiti ako. Bakit parang ang lalim ata ng pinaghuhugutan niya. "I know" I sighed deeply. Tama siya. Darating ang araw na kailangan ko nadin silang harapin. Dahil ipag-hihiganti ko pa ang pagpatay nila kay Ate Illiana. "Clear all the cctv footage from inside and outside the mall" sabi niya sa kabilang linya at pinatay nadin ito agad "Manong, we can go now" "Teka! Bababa na ako" ngumiti lang siya at hindi na pinahinto ang sasakyan. What the-?! Sinubukan kong buksan ang pinto pero naka lock na. No choice ako kundi idaan nalang sa dahas. Kinuha ko ang dagger sa paanan ko saka nilapit sa leeg niya. "Palabasin mo ako" umiling ito at sa isang iglap lang wala na sa kamay ko ang dagger. "Good night sweetie" saka siya ngumisi at may tinusok sa leeg ko. Unti-unting lumabo ang paningin ko. Hindi pwede, nangako ako kay ate Illiana na di ako papahuli. *all went black* .... Nang magising ako ay agad akong napatayo, "Aaw!" Asa van pa pala ako. What the fudge! Nasaan na ako?! Napatingin ako sa left side ko. Wala na yung matanda pero pinalitan siya ng isang lalaki at may hawak na b***l. *Gulp* Tama ang hinala ko. Kasama siya ng mga taong gusto akong kunin. Aish! napaka tanga mo Jacq! Sinubukan kong buksan ang pinto ng van pero naka lock parin. Geez! Kinuha ko ang isa ko pang dagger. Balak ko sanang patayin ang katabi ko ng makaramdam ako ng malamig na bakal. Malas naman oh! "Give me your dagger if you don't want to die" dahan-dahan ko namang binigay ang dagger ko sakanya. Ngunit napangisi ako ng may maalala ako. Agad ko siyang sinaksak sa tiyan "Tsk. I know you can't kill me", may halong pang-aasar na sabi ko sakanya saka diniin pa ang pagkakasaksak. Nakita ko sa peripheral vision ko na may pinindot na button ang driver. Medyo dumilim ang loob ng sasakyan at sunod na may lumabas na monitor sa harap ko. "Sabi ko na nga ba't papatayin mo lang ang ibibigay kong guard. Mabuti nalang at isa lang yang dummy" Dummy? Kaya pala walang dugo na lumabas, "Anyway, wag kang matakot hindi kita sasaktan. But i'm helping you to escape from those man in black na sinasabi mo" kumunot ang noo ko. Help me to escape? Tsk. Paano naman ako makakasiguro? At bakit naman niya ko tutulungan? "Enough with the joke, you b*tch! You better stop this car now!" pero tumawa ulit siya "Watch your words young lady, you don't know me" Geez! This old lady is really pissing me off! "Got to go. See you later dear" saka namatay na ang tawag kasabay ng pagkawala ng monitor. Galit na nilingon ko ang driver, "Stop the car!" Pero hindi niya ako pinansin. Lalapit na sana ako para patayin siya ng may salamin na nag appear sa pagitan naming dalawa. Sinubukan ko itong suntukin pero walang nangyari. Thick glass. Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Man! Nakita ko sa may gilid nang salamin na may lumalabas na usok. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka tinakpan agad ang ilong ko Agad napuno nang usok ang van dahil hindi lang isa ang naglalabas nang usok kundi apat. Di magtatagal mahihimatay ulit ako. Talo na ba ako? After 2 years na pagtatakbo ko, isang matandang babae lang pala ang makakahuli saakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD