Chapter 18 "Dinner is ready!" Sabi ni Elvis na galing sa kusina. "Yes!" Sigaw naman ni Ithan at pumunta sa likod ko. Naramdaman ko na medyo lumuluwag ang pagkakatali saakin hanggang sa makawala na ako. Tumingin ako sakanya na may pagtataka "What? Haha. Don't tell me kakain ka gamit lang ang bibig mo?" Mapang-asar niyang sabi at nagtungo na sa dining area. Sumunod nalang ako. Pagka-upo ko ay binigyan ako agad ni Ithan nang plato at nilagyan na ito nang ulam at kanin "Eat well, Samora" nakangiting sabi niya at nagsimula nang kumain Pinagmasdan ko lang ang pagkain ko. Hindi dahil sa busog ako o wala akong ganang kumain pero dahil nararamdaman ko ang mga titig na pinupukol saakin ni Zack. Kahit hindi ako tumingin sakanya ay ramdam kong tinitignan niya ako nang masama. "Don't mind him,

