Nagulat si Jhofel ng pagdilat nya ng mata ay nasa ibang lugar na sya medyo malayo dun sa nilalang at ng tignan nya kung sino ang nasa tabi nya ay may tatlong lalake na halos kaedaran lang nya, pero kakaiba ang pormahan nila, yung isa naka purong black ang suot, medyo hindi kalakihan ang katawan at may hawak na espadang itim. Ang isa naman naka orange at sobrang laki ng pangangatawan at nakatayo ang buhok, at ang huli ay naka blue na may kwintas na dalawang espada sa leeg .
"Sino kayo at pano ko napunta dito? " , "ikaw sino ka? at matapang mong hinarap yung nilalang na yun?" sabi nung nakaitim , Jhofel ang pangalan nya yun ang pagkakasabi nya, "ako nga pala si James flores galing sa planetang semaj" sabi nung nakablue , "ako si felizardo maharlika galing sa planetang odraz" sabi nung naka black , "ako si diverson molapos galing sa planetang nosrev" sabi nung naka orange , "at kami ang trio combo" sabi nilang tatlo."Galing pala kayo sa ibang planeta, e pano nyo nalamang inaatake ng nilalang na yan ang planeta namen?" ang tanong nya, "na sense namin , at pumulunta kami sa ibat ibang parte ng kalawakan basta sa abot ng aming kapangyarihan, para protektahan ito mula sa mapanira." ang sabi ni felizardo, "magtatanungan nalang ba tayo? naiinip nakong durugin ang isang yun e" sabi ni diverson , "osha tara na at ng makauwi na tayo agad"