✅KYLIE "Wow naman Kylie, di ko alam na friendly kana pala ngayon?" Nakangising sabi sakin ni Yani. "Naawa lang ako" sabi ko. Naglalakad na kami papunta sa school garden. 1 hour and 30 minutes kasi ang lunch kaya tatambay muna kami. Pagkaupo namin sa bench ay may biglang tumawag kay Yani. "Sasagutin ko lang yung tawag" sabi niya saka medyo lumayo sakin. Tiningnan ko yung relo ko. May 1 hour pa. "Kylie, maiwan na muna kita. Pupunta lang akong libary" paalam sakin ni Yani at mukang madaling madali siya. Aangal sana ako kaso ay nakaalis na siya. "Tsk, iwanan daw ba ko dito" bulong ko sa sarili ko. Tahimik lang akong nakamasid sa paligid nang biglang may lumapit saking tatlong lalake. "Hi miss" bati sakin nung isa. Si B1. "Pwede ba? Umalis kayo dito" mahinanong sabi ko sa kanila

