✅JESIN Pagkadating ko sa food court ay wala pa si Cassey. Tumambay muna ko saglit at nag isip. Bakit nga ba ko pumayag sa deal na yon? Pwede ko naman siya hindi pansinin saka wala naman akong pake kung magpakalat siya ng fake news. Nakapag decide na 'ko. "Jesin!" Napatingin ako sa tumawag sakin. Si ate saka si.. kuya Thunder? Anong ginagawa niya dito? "Oh?" Tanong ko sa kanya pagkalapit niya sakin. "Anong 'oh' ka diyan ha? Kanina pa kita hinahanap, bigla kana lang nawala. Hindi ka man lang nag text, ano pang silbi ng cellphone mo?" Tanong niya sakin kaya napa poker face na lang ako. "De sana tinawagan mo ko kanina, ano ding silbi ng cellphone mo? Saka hindi mo naman ako mukhang hinahanap, nakipag date ka lang yata" sabi ko sa kanya at napapikit naman siya sa inis. Mga pr

