Kalokohan ni Jesin ✅KYLIE Kakauwi ko lang sa bahay ngayong umaga ng madatnan ko si Jesin sa kwarto ko habang ginagamit niya ang laptop ko. "Anong ginagawa mo sa laptop ko?" Tanong ko sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Gulat naman siyang napatingin sa akin pero ngumiti din kaya napakunot ang noo ko, nawala lang ako kagabi naging weird na 'tong kapatid ko. "Good morning ate! Labas na 'ko" bati niya sa akin kaya mas lalong napakunot ang noo ko, hindi ko nalang siya pinansin at maliligo na sana ako ng maalala ko kahapon yung chat namin ni Thunder kaya dali-dali kong binuksan yung laptop ko at tiningnan yung chat namin. Thunder Hernandez: Okay. Gawa mo ngayon? Thunder Hernandez: Hey Thunder Hernandez: Busy kaba? Kylie Vuenista: Hindi naman bakit? Miss moko? Thunder H

