ERIN'S POV Nanlalabo ang mata ko habang naglalakad sa madilim na daan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong gana sa lahat. Parang kulang na lang ay tamarin na akong huminga. Sobrang bigat. Feel ko dala ko na ang buong universe sa bigat. Huminto ang paa ko at tumingin sa harap ko. "Madame, Erin?!" sabi ni Manang sa akin. Inalalayan naman niya akong pumasok, humungad naman sa akin sa sala si Eron. "Ate? Buti napari— Are you crying?" tanong niya nang mapansin ang mata ko. "Can I stay here, tonight?" tanong ko. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya. "S-sure. But what happened?!" tanong niya ulit. "Im fine... I just want to rest... Thank you," sabi ko at umakyat na sa taas. Wala akong gana.Gusto kong magpahinga ngayon. Masyadong masakit. Gusto ko lang ipagpahinga ang lahat.

