ERIN'S POV Days Passed. Palabas na ko ng kwarto para sana lumabas at magpahangin sa club house ng makasalubong ko si Syd. Kasama si Nadia. Dapat masanay na ako eh, pero hindi pa rin. Nasasaktan pa rin ako. Sobra. Iiwasan ko sana sila ng hilahin ako ni Nadia kaya napabalik ako sa kinaroroonan ko. "May sasabihin sayo si Baby Syd," sabi niya at lumingkis pa sa braso ni Syd. Hindi lang yon, pinakita niya mismo kung paano niya halikan ang asawa ko sa mismong harap ko. Pilit ko naman iyong iniiwasan eh. Sinusubukan ko ngang huwag na lang sila pansinin. Dahil alam kong hindi rin magtatagal iyon. Pero kahit ano palang iwas ang gawin ko, hindi magbabago na nasasaktan talaga ako. Sa simpleng lingkis pa lang ni Nadia. Sa tuwing wala si Syd dito at iniisip kong nag-s*x na naman sila para na kong

