ERIN'S POV WEEKS PASSED. Naunang umalis si Syd kesa kay Nadia. Naiwan pa si Nadia dito nang ilang oras bago siya umalis ulit. Hindi na ko nag-abalang alamin pa. Sanay na ako sa ganitong setup. "Hija, hindi sa nakiki-alam ako. Pero sobra na, hindi ka ba napapagod?" tanong ni Manang sa akin. Napatigil ako sa pagdidilig ng halaman. Bago ngumiti sa kaniya. "I know my husband, Manang. May amnesia lang siya. Babalik at babalik rin ang alaala niya." "Pero kailan? Hindi ka ba nababahala? Na hanggang ngayon ay wala pa ring maalala ang asawa mo?" sabi niya na sobrang ikinakaba ko. She's right. Ilang buwan na kaming ganito. Ilang buwan na siyang walang maalala. "Ang akin lang hija, huwag mo sagarin ang sarili mo. Dahil mahirap lalo na pag sarili mo ang kalaban mo," sabi niya pa. Naiwan akong

