ERIN'S POV "Syd, nakausap ko na ang secretary mo. At sabi niya tuloy ang pag-alis natin to Spain," panimula ko habang nanonood sa nagbibihis na si Syd. Huminto siya at tumingin sa akin. "Aalis? We leave?" takang tanong niya. "Yes for good, bago ka ma-aksidente napag-usapan-" "Then forget about it. I forgot about that. Im not leaving, I stay," sabi niya at nagpatuloy sa pag-aayos ng necktie. "Pero, Syd, napag-usapan na natin to. We leave and stay on Spain-" "Go if you want. I stay here, and that's final." Magsasalita pa sana ako pero lumakad siya sa pinto. Kaya pinigilan ko siya. "Syd!" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko. "What?" "Please..." Pero tinignan lang niya ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Naiwan na naman akong tulala. Hindi ko ma

