3rd Person's POV Nang magkaroon Ng Malay si Ayla ay dinala siya Ng mga police at kinuhanan Ng statement. Pero ang babae ay Hindi umimik simula Ng magising Ito. Napatulala Lang itong tumitingin sa kawalan. Sa kabilang banda nakarating Ang balita kina Olga at Eylul. Umiiyak and dalawa ng malaman Ito at nagdesisyon na umuwi Ng San Roque. Sa mansiyon Ng mga Yildirim Hindi Rin mapakali si Zehra. Nang natanggap din nilang mag-asawa Ang balita tungkol sa nangyari Kay Xenon ay tinawagan nila Ang anak. Abot kaba at Hindi mapigilan ni Zehra na umiyak sa kaba dahil kanina pang umaga Hindi matawagan Ang kanilang anak. Ganoon din si Detective Homer. Nagulat din sila Ng kanilang nalaman Ang pagkadawit Ng pangalan ni Ayla sa nangyari. Kahit Gabi na nagdesisyon Ang dalawa na pumunta Ng San Roque

