Maganda ang aking gising pagka umaga. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng walang dahilan basta ang sarap ng aking pikaramdam ngayon.
"Ayla, Manong Carding can't take you to school. Mayroon kasing emergency sa kanila at kailangan niyang umuwi. Is it ok with you if mag commute ka lang ngayon, hija? Hindi din kasi makahatid si manong Ben sa iyo dahil kailangn ko siya mamaya." Sabi ni lady Zehra.
"Ako nalang ang maghatid sa kanya mom. Papunta din naman ako sa kompanya." Ali said while going at our direction.
Naka formal attire ito and he looks manly.
Ngumiti siya sa akin bago bumaling kay Lady Zehra.
"Mabuti naman kung ganoon para hindi na mahirapan itong si Ayla."
"Sige mom, aalis na kami." Paalam nito at hinalikan ang ina sa pisngi.
Nagpaalam na din ako kay lady at sumunod sa kanya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago siya pumasok.
Wala kaming imikan kaya tinatanaw ko na lang ang dinadaanan namin.
Heavy tinted ang sasakyan niya. Kulay itim ito at hindi ako pamilyar sa kung ano ang tawag dito pero alam kong nagkakahalaga ito ng milyones.
Nang malapit na kami sa school gusto ko sanang bumaba kaso hindi siya pumayag.
Mabuti na lang at wala pang gaanong estudyanye dahil maaga pa naman ng makarating kami sa parking lot.
Palihim akong nagmasid muna sa labas bago nagpaalam.
"Maraming salamat sa paghatid."
Tumango ito sa akin at ngumiti.
Pagkalabas ko agad kong tinahak ang daan papuntang locker namin para ilagay ang ekstrang damit na aking dala bago sana dumiritso sa room.
Napatigil ako ng lakad ng may bola ng basketball na gumulong sa aking paanan.
Tiningnan ko kung saan ito nanggaling at nakita ko si Harry na seryosong naglalakad papunta sa akin.
Kinuha ko ito at inabot sa kanya.
Kinuha niya sa akin ang bola at umalis ng walang pasabi. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Ano ang ginagawa niya sa building namin ng ganito kaaga? Kibit-balikat akong nag patuloy papuntang room.
Eylul's POV
"Kuya, sabay ako sa iyo papuntang school."
"What time is your first class?"
"It's 8:30."
"Ok, just wait for me in my car. Magbibihis lang ako." Pahayag nito at umakyat sa taas.
Habang naghihintay ako kay kuya sa loob ng sasakyan niya. I decided to stalk Ali on i********:. Napabusangot ako ng makita na wala siyang masyadong post at parang hindi na siya active dito. Yung last post niya ay noong nakaraang taon pa.
"What happened? Bakit ganyan ang mukha mo?" Pagtatanong ni kuya na kakapasok lang sa sasakyan.
"Si Ali kasi. Mukhang hindi na siya active sa insta." Nakasimangot kong sabi.
Bumuntong hininga si kuya at umiling na lang sa aking reaksyon.
"Don't come to me crying someday, Princess. How many times have I told you that Ali has not the same feelings as yours towards you." Kuya said seriously that make me silent.
I know it but what should I do? My heart is only beating for him. I tried to ignore this feeling and try to divert it to others, from my suitors but it seems like it won't work.
My young heart is only beating for him.
Bumalik ang alala sa akin bago sila umalis papuntang Istanbul.
"You're too young for this, Eylul. I know someday you will meet a person that can turn back more than the feelings that you felt. I see you as my younger sister and I don't want that you will give meaning to my actions towards you. You're important to me and I don't want to hurt you."
Hindi ko mapigilan na pumatak ang aking luha ng maalala ko iyon.
"We're here. Fix yourself before going out, princess." Kuya said and go out in the car.
Hindi ko mapigilang mapanguso dahil alam kong naiinis na sa akin si kuya.
Inayos ko na lang ang aking sarili bago lumabas at dumiritso sa building namin.
"OMG! I saw Mr. Sage Herrer, earlier besh."
"Really? Nandito na siya?"
"Yes, and he became more handsome."
"Is it true that Sage is here?"
"I'm wondering if his friends are already here."
Rinig ko sa hallway na bulungan ng mga estudyante.
"Good morning Eylul" bati nila sa akin.
"Good morning" ngiti kong sagot.
"Totoo bang kasama mo ang kuya mo kanina?" Excited na tanong nila sa akin.
"Oo" maikli kong sagot at nagpaalam sa kanila na umalis.
Pagpasok ko sa room nandoon na ang mga kaklase ko at hinihintay na lang ang prof namin.
Dumiritso ako sa unahan sa tabi ni Charlotte.
"Harry, bakit ang aga mo yata kanina pumasok." Rinig kong tanong ni Rico kay Harry na nasa gilid ng bintana naka upo na parang walang pakialam sa paligid.
"Huwag mo nang tanungin iyan, Ric. Wala lang makukuhang sagot diyan." Napailing na sabi ni Alexis.
"Eylul, totoo ba ang balita na ang kuya mo ang maging bagong President ng school?" Tanong ng mahina ni Charlotte.
"Oo. Iyon kasi ang pinili niya instead na e handle ang buong company." Sagot ko sa kanya.
"Kaya pala maaga pa lang umiingay na ang mga babae." Pabulong sa sabi nito.
"Harry, do you have practice, later?" I ask him
"None" he said.
Napailing na lang ako sa sagot niya kahit kailan ang ikli talaga mag sagot ng lalaking ito.
"Mayroon ba kayong practice mamaya, Ey?' Tanong ni Alexis.
" I don't know. Maybe we will move it tomorrow." I said.
Napatango na lang ito sa sagot ko at kinausap si Rico
Ayla's POV
"Ayla, my friend narinig mo na ba ang balita?" Kinikilig na tanong ni Jayrin nakakapasok lang sa room.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Omg! Besh nandito si Sage ang nakakatandang kapatid ni Eylul. At hindi lang iyan balita ko siya daw ang maging bagong President ng school."
"Alam ko na iyan" natatawang sabi ko sa kanya na ikinatigil nito.
"Uyyy, nag improve ka ah." Natatawa ding sabi nito sabay sundot sa tagiliran ko.
"Dont tell me crush mo din si Sage." Pabulong na dagdag nito.
Pinandilatan ko siya "Hindi ah."
"Weehhhh? Aminin. Huwag kang mag-alala walang may makaka-alam your secret is safe with me." Hagikhik na sabi nito.
"Nalaman ko lang iyon dahil kaibigan siya ni Ali." Biglang sabi ko na ikinagulat at ikinatigil niya sabay baling sa akin ng hindi makapaniwala.
"A-anong sabi mo Ali? Si Ali Yildirim ba?" Tanong nito.
"Ahm.." Napakamot ako sa aking batok at tumango.
"Omg! Totoo?" May kalakasang sabi nito dahilan na mapatingin sa amin ang iba naming kaklase.
"Shhhhhh, Jayrin ano ba!" Saway ko sa kanya.
"Bakit kilala mo si Mr. Ali Yildirim?"mahinang tanong nito
"Katulong kasi si ante sa mansyon nila." Pabulong kong sabi.
"So, it means...... Doon ka rin nakatira?" Excited na tanong nito.
Tumango ako bilang sagot.
"Ang swerte mo girl. Balita ko pihikan iyon sa babae. Hhhh baka bakla..... Pero sayang ang lahi..... Nag-iisang anak lang iyon." Natatawang sabi nito
"Teka lang kung katulong ang ante mo doon paano ka nakapasok dito?" Tanong niya sa akin na nagtataka
"Si Lady Zehra ang nagpapa-aral sa akin."
Napatango ito at magsasalita na sana siya pero biglang bumukas ang pinto at pumasok ang instructor namin sa first subject.