LIA POV:
Isang linggo na simula ng huli kaming magkita ni margie. Nagkaka-text naman kami at nagkaka-usap sa phone kapag tumatawag o nag-vivideo call ang isa sa amin. Naging routine ko na rin na pag-gising sa umaga ay magtetext ako sa kanya ng simpleng ( Good morning at nagbreakfast ka na ba? ) Aaminin ko na namimiss ko sya, yung mga pagbobossy nya sa akin, yung mga mapang-akit nyang salita para etease ako. Nakasanayan ko na rin yung bigla nyang pagsulpot minsan para lang sunduin ako or idate. Katulad ngayon na papalabas ako ng school palinga-linga ako nagbabaka-sakali na dumating sya pero nakarating na ako lahat-lahat sa kotse ko. Ni anino nya ay di ko nakita kaya laglag ang balikat kong sumakay sa s kotse at pinahaharorot ito. Di ko maiwasan na maiyak, dahil sa pagkamiss ko sa kanya. Simula ng makilala ko sya ay nagulo na ang mundo ko at naging iyakin na ako.Hininto ko ang kotse sa tabi ng kalsada para pakalmahin ang sarili ko. Sobra na ang pag-iyak ko, dahil sa namimiss ko sya ay nagkakaganito na ako. ( s**t! what happen to me, this is not me ) Napabuntong hininga ako para tuluyang akong kumalma. Nang masigurado kung kalmado na ako ay nagpatuloy na uli ako sa pagdadadrive.
Oh! iha andito ka na pala! are you ok? Nag-aalalang tanong ni mommy. Napailing lang ako at humalik sa pisngi nya.
Akyat lang ako mom baba na lang ako kapag magdinner na po! Matamlay kung sabi kay mommy. Tinitigan lang nya ako at tumango.
Ah iha may bisita tayo mamaya kaya mag-ayos ka ha! Pahabol na sabi ni mommy ng malapit na ako sa huling baitang ng hagdan paakyat.
Ok po! Walang gana kung sagot at saka nagtuloy na sa pag-akyat. Pagkapasok ko ay agad na nahiga ako sa kama ko. Tinatamad akong bumangon pagkapatay ko sa alarm ko. Natulog kasi ako kanina pagkadating ko. Saktong nakaayos na ako ng katukin ako ng kasambahay namin. Pagkababa ko ay may narinig akong mabining tumatawa habang kausap nila mommy. Magkaboses sila ni Margie kaya bigla ako nakaramdam ng
excitement. Mabilis na akong naglakad papasok sa dining area. Ngunit ganun na lang ang pagkadismaya ko ng makita ang babaeng kausap ng mga magulang ko. Laglag ang balikat na nagtungo ako sa right side ni daddy nasa kabisera kasi ito naka-upo si mommy naman ay sa left side malapit kay daddy. Palihim akong tumingin sa bisita ng parent ko. Magkamukha sila ni Margie, ang kaibahan lang nila ay ang aura ng mukha nito maamo ito at palangiti. Samantalang si Margie ay laging seryoso ang mukha at kung ngingiti ay naman ito kung kinakailangan lang. Napapa-isip tuloy ako kung anu ang ugnayan nila ni Margie. Dahil para talaga silang binagbiyak na bunga masasabi agad na kambal sila. Kahit na ganun na magkamukha sila ay nalaman ko agad na hindi sya si Margie.
Iha!
Alam nya kaya kung asan si Margie, Dahil sigurado akong may kaugnayan silang dalawa.
Iha! are you okay?
Bwesit talaga yung taong yun hindi talaga nagpaparamdam sa akin. Tama na sa kanya ang tawag at text.
Lindsay Aries!...
Di ba nya ako namimiss, sya ang ang dahilan kung bakiit ako nagkakaganito eh!
Lindsay! What is your problem?
Sinanay-sanay nya ako na lagi syang nasa tabi tapos ngayon...
Lindsay Aries Drieto Baritonong tinig ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Napatingin ako kay daddy ng nagtataka at napalunok ng makita ko ang sobrang seryoso nyang mukha habang nakatingin sa akin.
What is your problem? Baritono at medyo may inis na tanong ni daddy sa akin. Ilang beses akong napapalunok para pigilan ang panginginig ng katawan ko.
Nothing dad! school work lang po may magaganap kasing dabate sa klase namin at iniisip ko po ang topic namin. Pasinsya na po! Kabadong sagot ko kay dad at pinilit na wag mautal. Ayaw pa naman ni daddy na nauutal ka kapag nagpapaliwag or kapag nasagot ka sa mga tanong nya.
Are you sure iha? Nag-aalalang boses ni mommy ang pumutol sa tensyon namin ni daddy.
Yes mom i'm very okay! Tipid ang ngiti kung sagot kay mommy para di na rin sya mag- alala.
Okay! kumain ka na at may pag-uusapan pa tayo pagkatapos natin kumain. Seryosong utos ni dad kaya napapalunok ako at napatango. Nagsimula na rin ako kumain at baka lalo lang ako mabad shot kay dad kapag inisip ko pa si Margie. After namin kumain ay nagtungo kami sa living area para dun mag-usap. Nagpahanda rin ng tea si mommy para sa amin.
Iha ito nga pala si Marjorie Smith. Pagpapakilala ni mommy sa akin ng bisita nila pagka-upo namin sa couch. Napakunot ang noo ko ng ngumisi sya sa akin pagkatingin ko pero sandali lang yun, Dahil bumalik sa pagiging sweet ang mukha nya ng tignan sya ni mommy.
Nice meeting you Lindsay. Sweet nyang salita at mabining inilahad ang kanang kamay nya para makipagkamay.
Are you related to Ms. Margie Smith? Seryoso at walang expression kung tanong sa kanya.
Oh are you referring my twin sister Margaret? Sweet nyang balik tanong sa akin. Napakunot ang noo ko, Dahil di ko alam kung si Margie ba ang tinutukoy nya o ibang tao. Saka napapa-isip ako sa kaplastikan nya kapag nakatingin ang parents ko sa kanya ay sweet at masayahin ang ipinapakita nya pero kapag di nakatingin ay bigla magseseryoso at ngumingisi na parang may gagawing di maganda.
I dont know! Seryoso kung sagot sa kanya.
Minsan kasing may pinakilala sa akin si mommy at Margie Smith ang pangalan. Kaya nagtanong ako kung related ba kayong dalawa. Curious kong sagot sa kanya.
I think twin sister ko ang tinutukoy mo. Nakangisi nyang sagot.
I am right tita Arriane? Napakunot ang noo ko sa tawag nya kay mommy.
Ah yes! your twin sister is nice like you right Lind iha? Mapanuksong tanong ni mommy sa akin, Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Dahil wala akong tiwala sa kaharap ko ngayon.
Nga pala mom sa condo ko ako for a week mag-stay. Magalang kung paalam kay mommy. Tumayo kasi si daddy, dahil may kausap sa phone nya.
It's okay anak saka nga pala pakisama-samahan mo si Marjo kung saan sya pupunta kung may free kang time at kung di ka busy sa school. Mahabang paliwanag ni mommy habang may katext sa phone nya. Napakunot ang noo ko ng mas lumawak ang ngisi nya. Kaya nginisihan ko din sya ng may meaning. Nawala ang ngisi nya at napalitan ng pagtataka.
It's okay mom kung okay lang ba na kasama ko mga friend ko kapag need ni Ms. Marjo magpasama sa akin. Malawak ang ngisi kung sagot habang nag-aasar na nakatingin sa kanya.
Oh! okay lang ba sayo iha Marjo? Ganyan kasi talaga sila kung asan ang isa andun ang lahat. Tanong ni mommy sabay tingin dito kaya ang isa ay biglang naging mabait nanaman.
Yes tita okay lang po sa isang kondisyon! Pasweet nyang sagot at tumingin sa akin ng makahulugan pero di pa rin mawala ang ngisi ko sa mga labi ko.
And what is it iha! Kunot ang noong tanong ni mommy sa kanya.
Pwede ko po makuha ang address nya sa condo para po kung kilangan ko sya at di makuntak ay madali ko na lang po sya mapuntahan. Pasweet pa rin nyang sabi kay mommy lalong lumawak ang ngisi ko sa kanya. napakunot lalo ang noo nya nga makita ang ang nang-aasar kung ngiti.