LIA POV:
How's your sleep iha? Tanong ni mommy pagbaba ko sa dining area.
Good mom! Masayang sagot ko.
Do you have schedule today? Mahinhin na tanong ni mommy. Yung schedule na tinatanong eh! Yung mga lakad namin ng mga kaibigan ko.
No mom! Why? Medyo nagtataka kung tanong sa kanya. Dahil di naman mahilig si mommy na magtanong ng mga lakad ko, malaki ang tiwala nya sa akin lalo pa at sa lahat ng lakad ko ay laging kasama si Ley.
Good to hear iha! Nakangiting tagumpay si mommy kaya mas nagtaka ako sa inaasta ni mommy ngayon.
We're going somewhere! Pahabol nya pang sabi sa akin. Kaya naman napalingon uli ako sa kanya ng nagtataka, di naman ito ang unang beses na sinama ako ni mommy sa meetings or sa party. Alam kung way ni mommy ito sa akin bilang training ko sa paghawak sa company.
Where? Tipid kong tanong, umiling lang sya at nagkibit balikat. Napatango na lang ako sa kanya at bumeso. Nagpaalam na rin ako na papasok na sa school. Dati-rati kasi maaga pa ay sasabihin nya sa akin kung may pupuntahan kami pero ngayon biglaan. Di na rin ako nagpumilit na malaman kung saan kami pupunta, dahil kilala ko si mommy kapag ayaw nyang sabihin kahit anung pilit at lambing mo di pa rin nya sasabihin.
Andito na ako ngayon sa school at hinahanap ang mga kaibigan ko. "saan naman kaya nagsuot ang mga yun." Naisip kong pumunta sa tambayan namin. Doon naman kasi kami madalas nagtatambay. Habang papunta ako sa cafeteria ay naririning ko silang nagbubulungan tungkol sa akin. Sana'y na ako sa kanila laging ganito ang nangyayari sa araw-araw. Malapit na ako sa cafeteria ng makasalubong ko si Ram.
Hi Ram good morning! Masayang bati ko sa kanya. Kaso di nya ako sinagot kaya napatitig ako sa kanya at napansin kong parang badtrip sya.
Bad day? Nagdadalawang isip kong tanong sa kanya. Di sya umimik at tinignan nya lang ako ng seryoso. Kaya naman napataas ang kilay ko habang nag-aantay ng sagot nya. Napabuntong hininga sya saka nagsalita.
That girl!!...Naiinis nyang sabi at mahahalata talaga sa mukha nya ang pagka-irita.
Who's that girl! Nang-aasar kung tanong sa kanya, alam ko na kasi kung sino ang tinutukoy nya. Ang nag-iisang babae sa university na malakas ang loob na makipagsabayan sa trip ni Ram. Nakakunot na tinignan nya ako, nababakas pa rin ang kabadtripan sa mukha nya. Kaya naman napatawa na lang ako sa kanya, napanganga na lang sya sa naging reaksyon ko sa kanya pero maya-maya ay bumalik din agad sa pagkabadtrip ang expression ng mukha nya.
You know who! Medyo pasigaw nyang sabi at nauna nang pumasok sa cafe. Sumunod akong napapailing na lang napapaisip nga ang grupo kung bakit? Malakas ang epekto ng babaeng yun kay Ram samantalang wala naman paki si Ram sa mga ganung tao. Pagkaakyat ko sa third floor ng cafe nakita ko si Ley na seryoso habang nakatingin sa tv. Isa pa tong taong to laging may kinakaharap na problema di na natapos-tapos. Umupo na lang ako sa bakanteng couch, di ata ako napansin ng mga kaibigan ko na dumating. Dahil isa man sa kanila ay walang bumati, Ipinagkibit balikat ko na lang at mukha kasi silang problemado. Nagulat kami ng makarinig ng ingay sa isa sa mga kwarto. Agad naman kaming napatakbo kung saan nanggaling ang ingay. Narinig namin si Ram na nagwawala kaya hinayaan na lang namin, may ganyang ugali talaga si Ram kapag di nya makontrol ang emosyon nya ay magwawala sya to release her anger after naman nya magwala at magbasag ng gamit ay okay na uli na parang walang nangyari. Nagbalikan kami sa mga pwesto namin. Maya-maya ay lumabas na si Ram sa room. Nahimasmasan na siguro sya dahil medyo maganda na ang aura ng mukha nya. Umupo sya sa tabi ko at kumain ng foods na nasa center table.
Guy's nagbell na pumasok na tayo! Pagbasag ni Sue sa katahimikan namin. Nagtayuan na kami at sabay-sabay na pumunta ng classroom. After ng klase namin ngayon araw ay nagkayayaan kami na magbar hopping maaga pa naman. Kaya nagsiuwian muna kami para makapagpahinga at makapag bihis na rin.
Oh iha andyan ka na pala! Salubong sa akin ni mommy, nagtatakang nakatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko may nakalimutan ako, iniisip ko kung anu ang nakalimutan ko pero di ko maalala kaya naman binaliwala ko na lang.
You early mom? What happen? Nagtatakang tanong ko kay mommy. Dapat kasi nasa office pa sya ng gamitong oras.
Nothing anak! I have a dinner meeting with client i want you to come with me. Nakangiting pahayag ni mommy sa akin. Napatampal ako sa noo, when i remember she ask me this morning if i have schedule. (s**t i need to tell that i cant join them to bar hop baka kasi mag-antay sila sa akin. Siguradong magagalit sila kapag di ko sila ininform na baka di ako makasama sa kanila sa pagbabar hop.)
Ok mom! I come with you! Nakangiti kong sagot para di mahalata ni mommy na nakalimutan ko ang usapan namin kanina. Natuwa naman si mommy sa sagot ko, nagpaalam na ako sa kanya na aakyat muna ako sa room ko para makapaghanda sa dinner meeting na pupuntahan namin. Di na ako nagtatanong kung about saan ang meeting at kung sino ang kameeting. I trust my mom about that, she didn't do anything agains my will. So i prepare fast and bumaba na ako sa baba para doon na antayin si mommy. Pagbaba ni mom ay agad kaming umalis patungo sa restau na pag-aari nila Sue. Sa tingin ko nakapagpareserve na si mommy. Dahil pagkadating namin ay agad kaming inasikaso ng manager at staff. Pagkaupo namin ay saktong dating ng kameeting ni mommy.
Good evening Mrs. Drieto! Nakangiti at mahinhin nyang pagbati kay mommy. Napatulala ako sa kanya, ang ganda nya. Maputi matangkad at may sexy body. Sa facial feature naman grabe nakakaakit she have this aura na talagang mapapa second look ka talaga. Di ko namalayan na pinapakilala na ako ni mommy sa kameeting nya.
Lia! Mahinhin pero may diin na tawag ni mommy sa akin. Kaya nabalik ako sa wisyo at saka napa-iling-iling na lang.
Huh! Napapatangang sagot ko kay mom, narinig ko na lang na may natawa ng mahinhin kaya napatingin ako sa nagmamay-ari ng tawa. Pagkatingin ko sa kanya ay kinindatan nya ako kaya naman naramdaman ko ang pisngi ko na namula. Kaya naman yumuko ako para di nya makita ang pamumula ng mukha ko.
Ano bang nangyayari sayo iha! Nagaalalang tanong ni mommy sa akin. Napatingin ako sa kanya at napailing saka ngumiti ng matamis to assure na okay lang ako.
Nothing mom! Nakangiti kong sagot kay mommy.
You sure! You okay? Paniniguro ni mommy sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Okay! sagot ni mom.
Ms. Margie Smith this is my Daughter Lia! Nakangiting pakilala ulit sa akin ni mommy kay Ms.Margie.
Nice to meet your daughter Mrs. Drieto! nice meeting you Ms. Lia! Makahulugan nyang tugon kay mommy, tumango lang si mommy sa tugon nya at nagpatuloy na sila sa usapan nila. Paminsan-minsan ay tinatanong ni mom ang opinyon ko. Habang nag-uusap sila tungkol sa business na balak na pag-invest ni Ms. Smith sa mga Drieto. Palihim ko syang sinusulyapan parang nakita ko na sya. Di ko lang matandaan kong saan at kailan. Kaya naman binaliwala ko na lang ang tumatakbo sa isip ko at seryosong nakinig sa usapan nila. Medyo tumagal din ang usapan nila kaya naman ginabi na talaga kami sa restau. Alas 10 na ng gabi may time pa ako para humabol sa bar hop nila Ley.
Mom! I'm not going with you! meron kaming usapan ng mga kaibigan ko na mag-bar hop. Malambing kong sabi kay mommy, nakakunot ang noo nyang tumingin sa akin.
Its late na Lia and also you don't know where them! Medyo strict na sabi ni mom sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya at nilambing sya.
I know where them mom and also im safe im with Ley mom. If you want! you can call Ley to confirm. Malambing kong pahayag at sinabi ko talaga na kasama si Ley para di na sya makatangi. Nakita ko syang kinuha ang cp nya at tinawagan nga si Ley. After nyang maka-usap si Ley ay napabuntong hininga na lang sya at tumango sa akin. Napangiti ako ng malaki at bumeso sa kanya sabay sakay sa kotse. Ihahatid ako ni mom sa bar kong saan sila Ley. Kailangan ko ng divertion para di ko sya maisip, simula kaninang makita ko sya ay di na tumigil ang puso ko sa mabilis nitong pagtibok. Di ako sigurado sa nararamdaman ko, dahil kakakilala ko pa lang sa kanya kanina. Mabilis lang kami nakarating ni mommy sa bar kung nasaan sila Ley. Pagkahinto ng kotse ay agad akong bumaba at umikot sa pwesto ni mom at humalik sa pisngi nya sabay kaway ng kamay ko habang naglalakad papasok sa bar.
Bye mom! kila Ley ako mag sleep over tonight! Medyo pasigaw ko nang sabi kay mommy, dahil medyo malayo na ako sa kotse ni mommy.
Okay Lia! pls. behave wag kang pasaway kay Ley! Mapanukso nyang pagbibilin sa akin, kaya naman napangiti na lang ako sa kanya. Nakita ko si Ley na inaantay ako sa labas ng bar, nang mapansin nya akong naglalakad papasok sa bar ay sinalubong nya ako.
Wait lang Lia babati lang ako kay tita! paalam nya sa akin saka naglakad papunta kay mommy at bumiso. Napansin ko rin na may pinag-usapan pa sila pero di rin naman nagtagal, patakbo nang bumalik si Ley sa pwesto ko.
Tara na sa loob nag-aantay na sila dun kanina pa! Pag-aya nya sa akin ng makalapit sya sa pwesto ko. Napatingin pa sya sa akin saka napangiti ng nakakaluko kaya naman tinignan ko ang sarili ko, dun ko lang napansin na naka semi formal ako na damit. Napailing na lang ako sa sarili ko, di ko naman kasi akalain na makakaabot pa ako sa bar hop namin ng mga kaibigan ko. Tinapik ni Ley ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.
May extrang damit si Sue na dala hiramin mo muna nasa kotse nya. Pabulong nyang sabi para magkarinigan din kami dahil sa may kalagitnaan na kami ng bar. May ngiting tagumpay ang pumaskil sa mukha ko pagkarinig sa sinabi ni Ley. Kaya naman nagmamadali akong pumanta sa pwesto nila Sue na naka-VIP room. Pagkapasok ko sa VIP room ay hinanap agad ng mata ko si Sue. Nakita ko syang naka-upo sa may bandang dulo ng couch. Nilapitan ko sya at kinalabit sa balikat, Nakayukyok kasi ang ulo nya sa lamesa. tipsy na siguro tong si Sue. Inangat nya ang ulo nya at saka tumingin sa direction ko. Napakunot ang ulo nya ng makita ang suot ko.
I have extra cloth in my car, you wear that kesa dyan ikaw lang ang naiiba sa mga taong nandito! Medyo tipsy nang salita ni Sue at umub-ob uli sa mesa. Kinuha ko ang susi na nasa lamesa at saka lumabas ng VIP room.
Samahan na kita Lia! Pasigaw na sabi ni Ley! at saka humabol sa akin. Pagkarating namin sa kotse ni Sue ay agad kung binuksan at hinanap ang damit. Nang mahanap ko ay dun na rin ako sa loob ng kotse nagbihis sakto ang extrang damit ni Sue. Jogger pant na itim at fitted white shirt saka may vans shoes pa! Pagkabihis ko ay inayos ko naman ang damit na hinubad ko at nilagay sa paper bag na pinaglagyan ng damit ni Sue. Pagkatapos ay bumaba na ako at nilock ang kotse. Pumasok na uli kami ni Ley sa bar at pumunta sa VIP room na kinaroroonan nila Sue. Pagkapasok ko ay umupo ako sa tabi ni Wint. Agad din akong binigyan ng alak ni Wint pagka-upo sa tabi nya. Nagshot agad ako sa San mig light na binigay ni Wint sa akin. Kahit na nagpapakabusy ako sa pag-inom at pakikipag-usap sa mga kaibigan ko ay nasa isip ko pa rin sya.